Kabanata 42

1K 37 1
                                    

KABANATA 42

Napamulat ako ng aking mata ng biglang may nagbuhos sa akin ng malamig na tubig. .

Medyo malabo sa una Pero nung pagkurap ko ng ilang beses ay naging malinaw na ito.

Nakita ko ang mga lalaking nakakulay itim at nakabonet. Tatayo sana ako ng maramdaman kong nakatali ng mahigpit ang kamay ko sa likuran at ang paa ko sa ibaba.

Pilit kong magpumiglas Pero ayaw, nagtawanan lang ang lahat ng mga nandito dahil sa kung anong ginagawa ko. Gusto kong umiyak sa takot dahil may nakikita na naman akong baril. Hindi siya mismo baril kundi mga malalaking kalibre ng baril. Mahaba ang baril na nakasabit sa leeg nila.
Naluluha na ako pero pinipigilan ko iyon dahil ayokong sabihin ng mga ito ay duwag na babae...

Naka-tape ang bibig ko kaya hindi rin ako makasigaw. Maiiyak na ako sa takot, nanginginig na rin ang aking tuhod sa takot.

Ito na naman ba? Hindi na ba sila naawa? Dapat sa mga dito ay hindi na pinapadala ng Diyos! Masasama sila! Wala silang awa!

Napatigil ako sa pagpiglas pati ang mga tao ditong nagtatawanan na may pumasok na babae. Maliwanag ang likuran nito na tiyak ay hindi ko makita ang mukha nito sa silaw. May hawak siya sa kabila niyang kamay, isang babae rin na tulog rin yata.

Pumasok na sila at yun nalang ang gulat ko...

'Tita Almira..'

At si...

'Mom?!'

Lumaki ang mata ko sa nakita ko. Ngumisi  lang si Tita Almira at papabagsak niyang binitawan si Mom. Natulos ako sa aking inuupuan, hindi ako makagalaw, at malakas ang tibok ng puso ko sa kaba. Ramdam ko rin ang kamay kong nanlalamig na..

"Mahal kong pamangkin, kamusta? Na-miss mo ba ako?" Malokong tanong nito, tuluyan ng nag-unahan ang luha ko galing sa mata ko.

B-bakit tita?

"Hush pamangkin.." sabi nito saka lumapit sa akin at lumuhod sa harapan ko habang ako ay natatakot kung tumingin sa kanya.

Siya si Tita Almira Gonzales. Tita ko kay Mom, kapatid siya ni Mom. Palagi silang magkaaway sa isang bagay. Kahit kailan ay hindi ko sila nakitang magkasundo. Palaging mainit ang dugo ni Tita Almira kay Mom, dahil palagi nalang daw si Mom ang bida..

Galit. Galit ang pinakita ko sa kanya, galit. Galit na galit ako sa kanya! Pinapalampas lang ni Mom ang kademonyohan niya pero siya?! Hindi siya titigil kung hindi mamamatay si Mom!

Naalala ko pa noon na muntikan ng mamatay si Mom dahil kay Tita Almira, isasaksak sana ni Tita Almira ang kutsilyo kay Mom pero nakita namin siya ni Dad kaya siya napigilan. Nabaliw siya dahil kay Dad. Mahal niya si Dad pero mahal ni Dad ay si Mom, kaya nabaliw siya..

Pero paano siya nakawala sa Mental?!!

Ngumiti lang siya sa akin ng malademonyo saka ikiniskis ang maliit na kutsilyong hawak niya sa pisngi ko.

"Kung tinatanong mo kung bakit ako nakawala..." pagkatapos niyang sabihin iyon ay bigla niyang sinugatan ang pisngi ko gamit ang kutsilyo niya. Napaungol ako sa sakit at tumulo ulit ang mga luha ko. Nakita ko ang dugo mula sa kutsilyo niya at sa damit kong Puti.

Hindi parin ako matigil sa kakaungol dahil sa sakit, napahagulgol nalang ako sa sakit habang siya ay parang baliw na malalaki ang mga mata at nakangiti.

Lumingon siya sa akin na hindi parin nawawala ang baliw niyang ngiti.

"Sa kabila naman! Para pagkapareho!" Umalingaw ngaw ang tawa niya dito sa lumang basement yata. Umiiyak lang ako dahil ayokong ayokong nakakakita ng baril at kutsilyo lalo na kapag itutok na sa akin iyon!

Harrelson Series 1: Princess Of Harrelson (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon