Kabanata 36

1.3K 46 1
                                    

KABANATA 36



Tahimik akong nakaupo sa garden na likod lang ng resort, tahimik dito at mga huni lang ng mga ibon ang naririnig ko dito. Napangiti ako habang dinadama ang hangin na bumabalatay sa aking balat.

Masarap sa mata dahil maayos ang garden. Alagang alaga ito dahil ni isang kalat ay wala dito, masisigla ang mga bulaklak at makikintab ang railing na nagsisilbing harangan sa mga bulaklak para hindi ito masira ng ilan.

Meron ding iilang nagpupunta dito. May nagpipicture o kaya nag-group selfie. Masaya sila habang ako ay magulo ang isipan.

Umiling ako saka pinagmamasdan ang mga bulaklak na ibat-ibang klase. Dalawang araw na kami dito at bukas na ang pag-uwi namin dahil may pasok pa kami.

May naramdaman akong tumabi sa akin. Nilingon ko ito at nakita ko si Blex na nakatingin sa malayo.

"Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko dito. Napabuntong hininga siya saka lumingon sa akin. Nararamdaman ko na naman ang bilis ng puso ko dahil kahit isang titig palang niya ay matutunaw agad ako.

Ewan.

"Sinasamahan ka" simple nitong sagot na sigurado akong maiintindihan ko agad ‘yon. Tumango nalang ako at pilit ibinalik ang tingin sa bulaklak.

Napapalingon agad ako at biglang iiwas ng tingin. Ewan ko ba sa sarili ko! Nahahawaan na yata ako ng mga ungas sa ka-weirduhan ng mga ito.

Naramdaman niya sigurong may nakatitig sa kaniya kaya lumingon siya at nahuli niya ang aking mata na nakatingin sa kanya kaya agad akong umiwas dahil hindi ko kayang matingnan ang bluish niyang mata.

Na tiyak ay nakakaakit tingnan.

"Bakit ikaw? Tinitingnan mo ako. Alam ko namang gwapo ako--" dahil sa sinabi nito ay bigla nalang akong nag-ubo ng peke dahil sa kahanginan nito

Pero sa totoo, totoo naman siyang gwapo...kaya nga naging crush ko siya.

"--Kaya bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing tinititigan mo ako.." dugtong nito na siyang dahilan ng pagkalingon ko sa kanya habang gulat ang mukha ko.

Kita ko sa mga mata niya na seryoso niyang sinasabi ang huli niyang dinugtong. Ewan ko ba pero parang may gustong sabihin ang utak ko sa kanya pero hindi mabigkas sa dulo ng dila ko.

Napabuntong hininga siya saka ibinaling ang mata niya sa mga bulaklak.

"Kaya kong maghintay.." biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi nito kaya napaiwas agad ako ng tingin

Naging tahimik ulit kami kaya nararamdaman ko ang awkward pagitan sa amin.

"A-ahmm...B-blex" napalingon siya sa akin dahil tinawag ko siya

"Bakit?" Tanong nito

"K-kung sasagutin kita.....mapo-promise mo bang hindi m-mo ako lolokohin at iiwan..katulad n-na g-ginawa n-ni..Cole?" Pahinto hinto kong tanong sa kanya. Napatayo siya ng matuwid at hinarap ako. Ngumiti siya

"Hindi ko iyon gagawin. First time kong gawin ito kaya medyo hindi ko alam kung anu-ano ang gagawin. Medyo kabado ako dahil baka...baka i-reject bigla ako because you know me as Fuckboy, Asshole, Casanova, and Heartbraker man. Natatakot ako dahil bigla akong ireject dahil doon. At sa taong mahal ko talaga..." sabi nito at napayuko.

Naalala ko ang sinabi sa akin ni Dad noon..

"Sundin mo ang puso, wag magpapaapekto sa kahinaan. Dahil hindi sa lahat ng oras ay isip ang magdidisesyon C-jay. Kapag sa oras na nainlove ka..tanungin mo ang sarili mo..........mahal mo ba siya? O Infatuated lang?..."

Mahal ko ba siya?

O crush ko lang siya?...

Handa ko na bang palitan Si Cole?...

Handa na ba ako umibig ulit pagkatapos ng dalawang taon na yun?...

Pero gusto ko ring sumaya sa piling ng iba dahil dalawang taon na ang nakakalipas, at hindi sa lahat ng oras ay si Cole nalang Ang iniisip ko.

Gusto kong magdesisyon muna bago ko ito sabihin agad

Dahil kung sabihin ko agad ang sagot ko at kakalabasan lang yun ay hindi ako masaya sa kanya at iisipin lang na panakip butas ko lang siya..

Kailangan ko munang kumpirmahin ang sarili ko

At pagkatapos nun ay....

Sasagutin ko na siya.....

Nagliligpit na kami ng gamit paalis dahil bukas na kami uuwi. Hapon na at ito na ang huling hapunan namin, na buo ang mga Harrelson...

Habang nagliligpit ako ng gamit ay naramdaman ko ang uhaw. Nasa labas ang lahat at tapos naring magligpit ng gamit nila at ako nalang ang hindi.

Lumabas muna ako ng room dahil may itatanon ako kay Mom kung nasaan ang ear piercing ko.

Papasok sana ako ng elevator ng makita ko si Kuya KKK na may kausap sa telepono. Seryoso ang mukha nito. Dahil sa out of curiosity ko ay nagtago ako malapit sa kinaroroonan niya

"Kamusta ang dealing?"

"Siguraduhin niyong hindi nila malalaman ang ginagawa natin diyan pagkatapos natin bilhin sa kanila.."

"Dahil kung hindi, kahit saan ka man magpunta ay mahahanap at mahahanap ang pagmumukha mo at papatayin kita...”

Napatakip ako ng bibig sa banta ni Kuya KKK. Nagsitaasan ang balahibo ko sa sinabi niya sa kausap niya. Sa mukha niya palang ay seryoso at malamig ang tinig nito.
Nagtago pa ako ng mabuti para hindi niya ako nakita na nagtatago dito malapit sa kanya.

"Accept dealing Mr. Caputo..."

"I inform Boss and Lord for that and don't you mess up fucker..."

Kita ko ang pagbaba niya sa cellphone niya at luminga linga sa paligid kung sino ang mga nandito.

May kinuha siya sa likuran niya at napalaki ang mata ko sa nakita ko. Isang silver na baril, makintab pa ito at alagang alaga.

Nilibot niya ang kanyang paningin sa paligid na para bang may sinusuri siya. Nakita ko agad ang mata niya na dumako sa Aparador kung saan ay nasa likod ako. Nagtago pa ako ng mabuti para hindi niya ako makita

Ano ba ang pinag-usapn nila sa telepono? Bakit may baril pa?

Mas nanginig ang katawan ko sa takot, takot na baka mangyari ulit ang kagahapon. Pumikit ako at nagdasal na sana ay hindi niya ako makita. Oo Stepbrother ko siya, at hindi ako takot sa kanya simula pa noon dahil hindi ko pa sila gaano kakilala pero no’ng nakita ko ang baril sa kamay niya ay nagsimula na akong matakot sa kanya.
'Please lord, wag sana niya ako makita dito! Please, help mee po!'

Nagdasal pa ako ng nagdasal para hindi niya ako makita. Ramdam ko na siya sa malapit kaya mas lalo akong kinabahan bang may tumawag sa kanya kaya napahinga ako ng maluwag.

"Fuck!.." I heard his cuss

"You motherfucker!" Bungad niya sa kausap niya at rinig ko na ang footstep niya papalayo. Sumilip ako ng kaunti at nakita ko ang likod niyang papasakay ng elevator habang may kausap ulit sa cellphone nito
Isang tanong agad Ang nasa utak ko at yun ang,..

Sino ba kayo?....

Ano ang pinag-di-deal nito sa iba?......

====================================

To be continue...

Harrelson Series 1: Princess Of Harrelson (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now