Nang sulyapan ko si Trust, nakatitig lang ito na parang nawewierduhan sa ikinikilos ko.

“Surprise? Ganon mo sya ka ‘gusto’ kaya kailangan mong isurpresa?" Agad ko naman sa kanyang ibinato ang susi na hawak ko pero nasalag lang ito ng mga braso nya. “What? Tama ba ako?" Natatawa nitong tanong na halatang inaasar talaga ako.

“Gago. Nagkamali lang ako ng term na ginamit. Gusto ko lang sila gulantangin. Saka tigil tigilan mo nga yang pinagsasasabi mo, kinikilabutan ako." umakto lang akong parang nandidiri sa sinabi nya.

“Sus. Kaya pala. Kaya pala—” napatigil sya sa pagsasalita ng batuhin ko ulit sya at throw pillow na una kong nahagilap. Saktong sapul mismo sa mukha nya. Imbis na ibalik at gumanti sa’kin, tumawa lang ng tumawa. “Guilty ba?"

“Bahala ka sa buhay mo. Si Lacey lang naman ang tanging babaeng tinitignan ko, wala ng iba.”

Langya. Eto na naman ako.

Wala ako sa mood magemote ngayon. Pero bwiset kasi itong si Trust, ang dami nyang pinagsasasabi.

“Tinitignan. Pero mayron ka ng ngayong tinititigan.” muli na naman nyang pangaasar at pailing iling na tumatawa.“Minsan akala mo, sinusulyapan mo lang.”

“Seryoso ka ba Trust dyan sa pinagsasasabi mo? Of all people, ako pa talaga? Tsk, mamamatay na lang ako hindi pa magkakatotoo yang sinasabi mo.” iritable kong sagot sa kanya.

“Magpapahanda na ba kami sa funeral homes para sa nalalapit na libing ng tinaguriang Bad ng HFA?”

“Isang pangaasar mo pa sa’kin sa babaeng yun, lilipad ka na sa kabilang building. Baka ikaw ang may gusto kaya bukang bibig mo?"  This time, ako naman ang nangaasar na nakangiti sa kanya.

“Sa ating mga Elites, alam mong walang talo talo.” makahulugan nitong sabi at weird na namang ngumiti.

Nawala bigla ang pangaasar na ngiti sa labi ko.

Kaya ayaw ko minsan makipagusap dito kay Trust eh, minsan kahit ikaw na mismo ang kaharap, ikaw rin ang titirahin. Kaya hindi na ako magtataka kung sa aming apat, sya ang pinakamagaling magpaamin.

May mga oras na seryoso mo syang makakausap kaya dapat seryoso mo rin. Hindi mo sya magagawang birubiruin. Kalalaking tao pero nakaka-intimidate minsan kausap.

“Oo nga pala, nagusap na ba ulit kayo ni Dwayne?"

“Hindi pa.”

Tumayo ako agad at kumuha ng maiinom sa fridge. Bigla na naman akong binanas.

“Bakit?”

“May dapat ba kaming pagusapan?”

Lumingon naman sya sa'kin na kung makatingin, akala mo may mali sa sinabi ko.

“Sa ating dalawa, alam kong mas alam mo kung wala ba talaga o meron.”

Nagigting ang mga panga ko sa sinabi nya.

ELITESDonde viven las historias. Descúbrelo ahora