“Nagluluto.” nakangiting sagot nito na hindi naman tunog pamimilosopo. Ganun sya kabait kausap.

“Bakit hindi ka sumama sa kanila?” kusa akong napasunod sa kanya papunta sa kitchen.

Maalam ka pa Candid?

“You know, hang over?” bahagya syang natawa at muling kumilos sa sink at hinugasan ang mga dala nyang halok sa kung ano man lulutuin nya.

Hang over. Bakit wala ako nun ngayon? Mas nangingibabaw kasi yung pagkawindang ko kagabi eh. Natalo nito yung hang over ko.

Umupo lang ako sa high stool na upuan sa mismong harapan ng nakahilerang sangkap na lulutuin nya. Nakahanay ang ibat ibang ihahalok nya pati na rin ang mga fresh seafoods na mukhang malinis na rin. Bigla akong nagutom.

“Mukhang papanoorin mo ata akong magluto?” nakangising tanong nya at agad akong nagiwas ng tingin.

Masyado ata akong feeling close makipagusap sa kanya ngayon.

Hindi naman nya ako masisisi, sa kanilang mga Elites sya lang naman ang nakikitaan ko ng mas maayos na ugali at nakakausap ko ng matino eh. Well, si Axle okay rin naman. Puro kalokohan nga lang minsan ang pinagsasasabi.

“Kung  okay lang ba eh.” nahihiya kong sagot sa kanya at agad naman syang natawa.

Wala naman kasi akong gagawin pa eh. Mas mabuti na sigurong panuorin sya, malay mo may matutunan ako.

Weh.

“Oo naman, ikaw pa.” ngiting ngiti na naman nyang sagot habang nakatingin sa’kin.

Muli akong nagiwas ng tingin, bakit ba kasi palagi syang nakangiti sa’kin?

“Gutom ka na ba? Anong gusto mong kainin? Una ko ng lulutuin para makakain ka. Matagal pa kasi ‘to bago maluto. Hindi ka pa man din pa nagaalmusal. Late ka na kasing gumising.” mahabang tanong nya habang nakatalikod sa’kin dahil sa lababo sya nakaharap.

Buti na lang doon sya nakaharap. Kasi hindi ko na napigilan, saglit kong naitakip sa mukha ko ang mga kamay ko.

Hindi banyaga ang ganitong pakiramdam para sa’kin. Minsan ko na ‘tong naranasan kaya alam na alam ko..

Sinong hindi? Isang lalaking marunong magluto ang nasa harapan ko ngayon. Naka-apron at ang lakas maka-turn on. Idagdag mo pa yung mga ganung tanungan. Ang assuming pakinggan pero pakiramdam ko concern sya sa’kin. 

Kailan pa ba Candid? Kailan pa nagkaroon ng epekto itong si Dwayne sa’yo?


Napailing na lang ako. Ayaw ko nang makiramdam ng ganito. Ayaw ko ng maulit..

Hindi ko masabi kung biglaan. Pero kasi aminado naman talagang inis ako sa kanya noong una kaming magtagpo ng isang ito. Pero hindi ko maipagkakailang nung pangalawa, pangatlo at noong mga sumunod, nawala na yung masamang first impression ko sa kanya. Tapos sa twing tatayo sya sa pagitan namin ni Blaze, sa twing ipagtatanggol nya ako, yun yung mga time na narealize kong hindi sya kagaya ng ibang Elites na inaakala ko. Yun din yung mga time na hindi na rin ako cold sa kanyang makitungo. Nakikipagusap na ako sa kanya ng maayos kahit papaano.

ELITESDonde viven las historias. Descúbrelo ahora