Chapter 19 - Nervous

3.5K 74 2
                                    

Chapter 19 - Nervous

(POV Holden)


NERVOUS. I am nervous as if there is an impending doom coming. Sa buong buhay ko, ngayon lang ata kinabahan ng todo. Hindi ko alam kung dahil sa pagod ko sa pagtakbo or dahil sa takot sa nangyari kay Helena.


I am frightened and I don't know what I will do if something bad happened to her. Helena became my recent companion. Nasanay na ako na nasa tabi ko siya. It will be a different story kung mawawala siya sa akin.


Tinawagan ko muli si Helena, pero naka off pa rin ang phone niya. Pagkatapos ng ilang minuto na paghihintay sa convenience store, bumalik ako club kung saan naka-park ang kotse ko. I think I can drive now, but I will be calling Leon to help me. I can't take a risk. Ayokong mahuli ng enforcer sa kaso na DUI or driving under the influence.


Pagbalik ko sa club, maraming tao ang nasa labas. It seems like there was an emergency at pinalabas lahat ng tao. My eyes widened when I saw a stretcher. May taong nakahiga at natatalukbungan ng puting kamot. It is obvious na wala ng buhay ito. Wala naman kahit anong dugo ang sheets. Baka naman inatake sa puso.


"What happened?" tanong ko sa isang lalaki na kumukuha ng video ng mga pangyayari sa kanyang mobile phone.

"May nangyari po patayan sa loob ng club. Pinalabas kami lahat."

"Patayan? May pumasok na shooter or holdapper sa club?"

"May murder na naganap. May guest na pinatay ng isa pang guest. Wala naman kami narinig na putok ng baril, pero sabi ng security guard mukhang sinakal gamit ang electrical cord."


What the actual fuck! I just left for about half an hour, tapos may patayan na agad?


"May suspect ba sila? Nahanap ba ang gumawa nito?" tanong ko uli sa lalaki.


"May takip daw ang mukha, mukhang nagbaon ng mask para hindi makita sa CCTV. Yong biktima ata ay ang singer vlogger na si Keisha." 

The Fall of Holden Hidalgo [Completed]Where stories live. Discover now