Chapter 16 - Grief

4.1K 72 1
                                    

Chapter 16 - Grief

(POV Holden)


GRIEF. I am so consumed with grief right now. Dalawang babae na parte ng buhay ko sa maikling sandali ay nawala sa mundo.


I am not good when it comes to handling death. Ang pagkamatay ng kapatid ko ay tila isang dagok sa pamilya namin. His death changed me and transformed me into a bitter man. My brother was my bestfriend, my source of strength. When he died, it is like a big part of me died as well. Si Helena lang ang nagbigay sa akin ng reason uli na gumising sa umaga.


Pagdating ng tanghali, nagpaalam ako kay Helena na pupuntahan ko ang isang kaibigan. Hindi ko sinabi kung saan ako exactly pupunta. She did not ask for more at sinabi lang na mag-ingat ako. If she is obsessed with me tulad ng sabi ni Leon, she will ask for more questions and even forced herself to join me.


Pinuntahan ko ang mga magulang ni Gretchen at Jasmin para makiramay. Sadly, nailibing na sila pareho. Mukhang huli na ang balita ni Leon dahil noong nakaraang linggo pa naganap ang mga pangyayari.

Nagpakilala ako na isang kaibigan. Both of these girls are my ex-flings, dahil wala naman kaming formal label. Their parents do not even know me dahil short time affair lang naman ang namagitan sa amin.


I found out later on that Gretchen's family does not have any idea why she committed a suicide, but her mother confirmed that Gretchen had been receiving threatening anonymous calls. Kahit ang kapatid ni Jasmin na si Jessa ay pareho ang sinasabi.


"Kuya, wala naman kaaway si Ate Jasmin. Wala din siyang utang. Hindi ko lang maintindihan kung bakit may magtatangka na pumatay sa kanya," paliwanag ng nakakababatang kapatid ni Jasmin na si Jessa nang binisita ko ang bahay nila.

"I am sorry for your loss. It was a case of mistaken identity daw sabi ng mga pulis."

"Hindi ko alam, pero balisa na sa si Ate Jasmin bago pa mangyari ang lahat. Sabi niya, may psycho girlfriend daw ang ex niya na bumabagabag sa kanya. Akala ko naman hindi seryoso at nagbibiro lang siya nang sinabi niya na psycho girlfriend."

"May psycho girlfriend ang ex ni Jasmin?"

"May boyfriend si Ate Jasmin na ipapakilala daw niya sa amin last year, pero hindi natuloy. Mukhang nag break na din ata sila. Ginugulo daw siya ng psycho girlfriend sa chat."

"What happened? Tinatakot ba siya? Pinagbabantaan?"

"Huwag daw lalapit sa doon sa guy. Pero kuya, I don't think na aabot naman sa point na ipapapatay pa si Ate Jasmin, 'di ba? Nabanggit niya na noon na wala silang communication ng ex-boyfriend niya at hindi na sila nagkikita. Walang reason para guluhin pa ang buhay ng ate ko."


Tumango lang ako sa kanya. Ayoko mag conclude ng kung ano ano, but Leon's crazy theory about Helena is killing me now.

Kung ako ang tinutukoy na ex-boyfriend ni Jasmin, she can be a possible target as she contacted Leon a few weeks ago para makipagbalikan sa akin. Kung obsessed nga si Helena sa akin, she will see Jasmin as her competitor, isang kaagaw sa akin. This may be a triggering point kaya niya ipinapatay si Jasmin.


No, no, no. This is too much. I don't think Helena is insane enough to kill Gretchen and Jasmin.


"Do you have any suspect? May hinala ka ba kung sino ang gumawa nito sa kapatid mo?"

"Wala po eh. Sinabi ko na din po ang hinala ko sa pulis, pero malaking chance na mistaken identity lang daw po ang nangyari," sabi ng kapatid ni Jasmin sabay bigay sa akin ng phone niya.


Ipinakita niya sa akin ang picture ng kotse ni Jasmin kung saan ito nabaril. Sa passenger seat, nandoon ang isang papel na may print ng isang logo.


"Symbol daw 'yan ng isang sindikato or drug cartel. Napaka imposible na magkaroon ng connection ni Ate Jasmin sa ganyan. But why would these syndicates deliberately flaunt this? For me, it feels like the killer is just misleading the police."


I also felt the same thing. Gretchen was probably killed as well, but the suicide concealed this. Jasmin was also murdered, but the killer made it appeared that this is drug-related.

It seems that someone was already after them before this unfortunate incident. These are premeditated killings. In the bottom of my heart, I am hoping that thesw are just a plain coincidence and this killer is not connected to me.

The Fall of Holden Hidalgo [Completed]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن