The Return

1.7K 45 2
                                    

June 12, 2014

Sa araw na ito ay nakatakda kaming bumalik sa naturang apartment.

Kasama na rin ang paghahanda namin para sa nalalapit na pasukan.

Nang makarating na kami sa lugar na iyon ay hindi agad kami makapasok dahil naalala namin ang nangyari bago kami umuwi.


Oo, natatakot talaga kaming dumaan sa Room #5, ang katabing room namin lalo na't madilim na ang paligid at alam naming may kakaiba roon.

Nagmumuka na kaming mga bata sa labas dahil sa sobrang tagal na namin doon at nag-u-udyukan pa rin kung sino ang mauunang pumasok. Walang may kayang maglakas-loob dahil madilim talaga ang daraanan mo bago ka makarating sa kwarto kung saan kami nakaupa.


Para matapos na ay nagpasya na akong mauna... Patakbo akong tumungo sa Room #6, ang room namin- kasunod ko naman agad sila na patakbo ring tumungo na may kasama pang pagtili.

Alas otso na at nagkukwentuhan pa rin kami.

"Bakit kaya wala pa ring umuupa sa mga bakanteng kwarto?" takang tanong ni Tita Wena, nanay ni Jane.

"Oo nga. Yun din ang pinagtataka ko, akala ko dati'y wala pa talaga dahil malayo pa ang pasukan pero wala pa din hanggang ngayon kahit ilang araw na lamang ay pasukan na" sabi ko naman

"Baka may multo talaga dito kaya walang gustong tumira dito" singgit naman ni Jane.








---





"Gising! Gising! Dinig mo yun?" pang aabala sakin ni Jane"

"Paano ko maririnig e tulog na ako kanina" may halong pang-aasar sa boses ko pero hindi mo rin maiitangging natatakot na ako. Parang alam ko na kung anong narinig ni Jane


Sa mga ganitong pagkakataon, hindi ko na talaga kaya pang gumalaw dahil sa takot kaya di na ako nag abala pang intindihin ang sinasabi niya.


Kinabukasan


"Tayo nga lang ang nasa compound na 'to. Wala nang iba" sabi ni Tita

"Naku mama! Hindi talaga, dinig ko kagabi yung paglalakad ng tao dyan sa Room #5. Ginising ko pa nga 'to oh pero di naman ako pinansin" katwiran ni Jane sabay turo sa akin



Nakikinig lamang ako sa mag-ina habang nagtatalo ukol sa narinig ni Jane kagabi. Nakumpirma ko naman na iyon nga ang dahilan kung bakit ginising ako ni Jane kagabi -- may narinig na naman siya.



"Nakatsinelas, lakad ng lakad tapos may ginagawa sya, parang naghuhugas ng pinggan. Dinig ko ang mga pagsasalpukan ng plato pati na rin ang pag-agos ng tubig mula sa gripo" pagpupumilit pa rin ni Jane


"Akala ko talaga nung unang punta natin dito may nakatira dyan. Kita ko e, may paa. Yung tao parang nakahiga sa double-deck tapos nakataas yung paa sa bintana! Sobrang puting paa" si Tita naman. Ngayon lang namin nalaman na bukod sa may narinig kaming tao ay may nakita rin siyang paa na tila nakataas sa may bintana



Bigla namang naglakihan ang mata namin nang sabay sabay naming marinig ang pagbagsak ng isang tila mabigat na bagay sa kabilang silid. Sa tantya ko ay isa itong holen dahil rinig rin ang pag-gulong pa nito sa kabila ng napakatahimik na kapaligiran.

True Experienced Ghost Storiesحيث تعيش القصص. اكتشف الآن