Newest Dormate

1.4K 39 0
                                    

Ako ang pinakabago sa dorm na kasalukuyan kong tinitirhan ngayon... Pero akala ko lang pala 'yon, dahil after 1 week may nadiskubre ako. May bago!








Alas dyes pa lamang ng gabi at hindi pa ako makatulog kaya naman naisipan ko na lamang kumain ng kung ano-anong snacks. Maya-maya ay bumukas ang pinto ng dorm namin kaya napatingin ako. ISANG BABAE! Pero hindi ko natitigan ng maayos ang mukha pero sigurado akong babae dahil babae lang naman ang pwedeng pumasok sa dorm namin. Deredertso lang syang naglakad papunta sa CR habang sumisigaw kaya naman kahit nasa dulo ako ng kwarto ay dinig ko pa rin ang sinigaw niya

"Kanino daw po 'yung payong sa labas?" yun lamang ang sinabi niya pero naalarma na ako dahil naalala ko na naiwan ko nga pala yung payong ko sa labas ng garahe kaya dali-dali rin akong bumaba mula sa double deck upang kunin ang payong na inawan ko.





Paglabas ko pa lamang ng pinto ay isang payong na agad ang bumungad sa akin - napaisip tuloy ako kung yung payong ko ba talaga ang tinutukoy nya. Pero dahil naroon na rin naman ako sa labas ay dumeretso na rin ako sa garahe para kunin at tiklopin ang payong ko.








Pagpasok ko sa loob ay napaisip na naman ako!


"Sino kaya 'yong babae?" Tanong ko sa sarili ko.





Pagka-akyat ko sa double deck ay luminga-linga ako upang hanapin kung sinong bagong dating.


Wala akong nakitang bago! Lima pa rin kami sa loob ng kwarto, katulad pa rin ng kanina. Naisip ko na nasa loob nga pala siya ng CR --- pero ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin siya lumalabas... Di nagtagal ay sinubukan kong i-check ang CR at natagpuan ko itong walang laman.


Nangingilabot akong bumalik sa higaan ko. Hindi ko napigil ang sarili ko na tanungin ang pinakamalapit na tao sa paligid ko


"Ate, sino po 'yong pumasok kanina na nagtanong about sa payong?"




















"Huh? Wala naman akong nadinig!"

~
Hindi ko alam kung imahinasyon ko lamang iyon o totoo talagang nangyari. Pero isa lamang ang alam ko, talagang nadinig ko ang pagsigaw ng bagong babae, at talagang nakita ko rin kung paano siya pumasok sa pinto at dumeretso sa banyo.

Hindi ko alam kung sino siya... walang nakakaalam!

True Experienced Ghost StoriesWhere stories live. Discover now