A Brief History

1.7K 52 3
                                    

End of the Road Apartment --*Part 5 - A Brief History





Pumasok si Tita sa loob ng unit namin.

"Bigla nalang akong kinausap nung matandang lalaki dyan sa baba, sabi may namatay na raw dito" biglang sabi ni Tita na ikinagulat namin





Hindi naman kami nakapagsalita ni Jane dahil na rin sa gulat.

Bumalot lang ang kilabot sa buong katawan namin.


"Sino daw?"
"Kailan?"
"Saang unit?" sunod-sunod naming tanong kay Tita

"Ewan ko! Umalis na agad ako. Hindi ko na pinakinggan yung kwento nung matanda baka matakot lang ako" si Tita

"Ieh! Ang baliw mo naman Tita, dapat pinakinggan mo 'yong matanda para alam natin ang kwento" sabi ko naman na may panghihinayang dahil noon pa ma'y binabalot na talaga ako ng kyuryosidad tungkol sa nakaraan ng compound na ito


"Baka dito sa unit natin" dagdag ko pa na may halong pananakot

"Baka naman hindi totoo, malay nyo chika lang nun matanda yun" pagsasawalang bahala naman ni Jane pero halata parin ang takot na bumabalot sa kaniya





Lumabas kami sa unit at bumaba sa hagdan (hanggang ngayon sama-sama pa rin kami. Pag may lumalabas na isa, lumalabas din lahat)






Pagkababa namin sa hagdan ay nakita naman namin si A na kausap si Ate Jeyy (kapitbahay namin dito)

Napatigil kaming tatlo para makinig sa kanila - nagkukwento kasi si Ate Jeyy.


"Yun nga, umalis sya dyan tapo---"

"Ano ate? Ulit nga! Ulit" pakiusap ko naman kay Ate Jeyy. Hindi kasi namin nasimulan ang kwento kaya hindi namin maunawaan


Bumuntong-hininga si Ate Jeyy



"Ang haba na e! Halinga kayo sa loob ng bahay. Maupo muna kayo at dito ko iku-kwento" anyaya nya sa amin

Agad naman kaming sumunod sa kaniya para pumasok sa loob ng bahay niya at doon makinig sa kwento


"Ganito 'yon" pagsisimula nya
"Dati isang unit lang ang may nakaupa dyan, yang room #2 lang, dyan sa unit mo A" at tumingin sya kay A




"Si Ana lang, matanda na sya at walang anak. Palagi syang nasa palengke dahil nagtitinda sya ng mga kakanin. Sa tuwing wala sya, may napapakinggan kaming gripong bumubukas at pintong kumakalabog. Akala talaga namin nung una ay dyan yun sa Room #2 pero dun pala sa room #3. Inobserbahan namin at napatunayan namin na dun talaga nanggagaling yun sa Room #3. Mas lalo pa naming napatunayan nang may tumira dyan na tatlong babae" nagpahinga muna si Ate Jeyy dahil sa haba ng kanyang sinabi


"Tapos?" atat na atat namang tanong ni Jane


"Naging ina-inahan naming lahat dito si Ana, pati yung tatlong babae dyan, lagi silang nakaasa kay Ana, katulad nalang ng mga pang-ulam nila at iba pa. Hindi nagtagal yung tatlong babae dyan dahil ayon sa kanila pag gabi ay may dumadagan sa kanila at hindi talaga sila makahinga. Minsan naman ay bigla raw nabubuhay ang gripo at kumakalabog ang pinto. Syempre babae silang lahat, hindi nila kinaya. Umalis agad sila wala pang dalawang buwan. Naiwan dyan si Ana. Tapos di nagtagal ay umalis na rin sya... Ilang linggo lang ang lumipas ay may kakaiba na naman kaming nararamdaman. Pero dyan naman sa Room #2! Para bang laging may naglilinis. Minsan ay parang naglalaba at kung ano-ano pa. Tapos minsan pa'y dinig rin namin ang pagbukas-sara nung cabinet pati switch ng ilaw. Di nagtagal ay nabalitaan namin na namatay na pala si Ana sa hindi malamang dahilan... Pinapaniwalaan namin na si Ana ang nararamdaman namin na naglilinis dyan sa kwarto mo ngayon A"


"Halaaaa! Lagot ka!" pangungulit ko naman kay A. Hindi na siya makapagsalita pa dahil marahil ay nakadama na rin siya ng takot katulad naming lahat


At doon na nagsimula ang aming pagtatakutan. Hanggang sa gumabi na. Hindi kami makauwi lahat dahil sa nadarama naming takot. Lalabas na sana kami ng bahay ni Ate Jeyy nang makita naming nagbukas-sara ang ilaw sa loob ng unit ni A.


"Baka binuksan ni Ana kasi madilim na at wala pang ilaw" sambit ni A


FOLLOW || VOTE || COMMENT

True Experienced Ghost StoriesWhere stories live. Discover now