Mama

1.3K 41 0
                                    

Pitong taon pa lamang si Ana nang mamatay ang kanyang ina dahil sa cancer, ang panganay naman niyang kapatid ay labingtatlo at dalawa naman ang bunso niyang kapatid.


Nang araw na nakaburol ang kanyang ina ay walang patid ang pag-iyak nilang mag-aama.


"Papa, bakit hindi gumigising si Mama?" tanong ng bunso niyang kapatid na noon ay pautal-utal pa ang pagsasalita dahil sa murang edad niya.


"Nagpapahinga lang siya" sagot naman ng kanyang ama


Lumipas ang mga araw ngunit tila ba hindi nauubos ang luha mula sa mga mata ni Ana. Patuloy ang pagbuhos nito ano mang oras. Mas tumitindi pa ito kapag nasisilayang ang nakababatang kapatid sa harap ng ataul ng kanyang ina - tila ba'y nag-iintay itong magising ang kanilang ina.


Isang gabi sa burol ay nangilabot silang lahat sapagkat nakita nila ang ngiti sa labi ng bunsong kapatid ni Ana... Tumakbo ito papunta sa kusina at lumapit sa salamin. Ayon kay Ana ay tuwang-tuwa ang kanyang bunsong kapatid nang oras na iyon habang binabanggit ang katagang



































"MAMA!"


Nagsilakihan ang kanilang mga mata hindi dahil sa pagtataka ngunit dahil sa takot na kanilang nadarama sa sandaling iyon. Alam nilang hindi maaaring magsinungaling ang isang batang dalawang taong gulang pa lamang.


- - -


Matapos mailibing ang ina ni Ana ay pinilit ng kanilang pamilya na mamuhay ng normal habang inilalayo ang sarili sa kalungkutan dulot ng pagkawala ng ilaw ng kanilang tahanan.





Nakaupo ang ama ni Ana at ang bunso niyang kapatid na noon ay tatlong taong gulang na sa isang duyan sa kanilang likod-bahay. Sama-sama sila roon habang ipinapadama sa isa't-isa ang kanilang pagmamahal.


Nakita ni Ana na nagbago ang ekspresyon ng kaniyang ama kaya naman agad niya itong tinanong


"Papa bakit?"


"P-parang bumigat s-sa kaliwa" tugon naman nito


Ilang segundo lamang ang nakakalipas ay biglang sumigaw ang bunsong kapatid ni Ana - mababakas mo sa mukha niya ang labis na kagalakan habang inuusal ang salitang














"MAMA!" hindi na nila alam ang gagawin kaya naman kinausap nalang ng kaniyang ang ama ang hangin upang pakiusapan ang kaniyang asawa na huwag na silang takutin.








A/N:

Credits sa Dorm mate ko - shinare nya lang to sakin kagabi :) Hope you enjoy reading guys.
Don't forget to share your own story by sending me your e-mails at rose18.magnaye14@gmail.com

True Experienced Ghost StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon