Ninong

1.6K 38 1
                                    

STORY OF MY ELEMENTARY CLASSMATE: (Naalala ko lang)


Jollie's PoV

Gabing-gabi na pero gising na gising pa rin ako dahil kailangan kong tapusin ang Dictionary Project namin noong Grade 5 ako. Ako na lamang ang gising at dahil bata pa lamang ako ay nakakaramdam ako ng kakaibang takot sa hindi malamang dahilan.


Nasa may kusina ako - sa may lamesa kung saan nagsusulat ako ng iba't-ibang salita galing sa diksyonaryo. Nagulat ako sa tunog ng isang napakalakas na kulog kasunod ay ang biglaang pagbuhos ng napakalas na ulan.








Lumamig bigla ang paligid kaya naman naisipan ko nang ligpitin ang aking mga gamit upang bukas na lamang ipagpatuloy ang aking ginagawang proyekto. Gigising na lamang ako ng maaga, saad ko.


Papasok na sana ako sa silid-tulogan nang may narinig akong malakas at sunod-sunod na pagkatok mula sa pintuan namin. Para bang nagmamadali ito sa pagkatok - tila mahalagang bagay ang ipinunta niya.








"S-sino po iyan?" kabado kong tanong habang humahakbang ng maliliit patungo sa pintuan namin. Gabing gabi na kaya nagdadalawang-isip ako kung bubuksan ko ba o hindi.





"Si Ninong George ito! Anak, pakibukas. Basang-basa na ako"





Biglang lumaki ang mga paghakbang ko nang madinig ko ang tinig ng aking kaisa-isang Ninong. Siya pala. Akala ko naman ay kung sino.


Dali-dali kong binuksan ang pinto at nagulat ako nang niyakap niya ako. Ang lamig niya. Kawawa naman siya. Basang-basa ang buong katawan niya at halata sa kaniya ang panginginig. Kaya naman niyakap ko na lamang siya pabalik.


"Ninong, gabing-gabi na ah. San po kayo nanggaling? Teka lang po at ikukuha ko kayo ng kape, gigisingin ko na rin po si Inay para mabigyan kayo ng damit na pampalit" sunod-sunod kong wika. Inabutan ko muna siya ng tuwalya upang mapunasan niya ang basang basa at nanlalamig niyang katawan.





"Naku Jollie, kape nalang huwag mo nang abalahin ang nanay mo"








Sinunod ko naman si Ninong.





Habang nagtitimpla ako ng kape ay muntikan na akong mabuhusan ng kumukulong tubig dahil sa gulat. ANG CELLPHONE NI INAY NA NAIWAN NIYA SA KUSINA, NAGRIRING.





*Mareng Gema Calling*





Hindi ko ugaling mangealam ng telepono ng iba at lalong hindi ko gawaing sumagot sa mga tawag na hindi naman para sa akin ngunit tulog na si Inay at si Ninang Gema ang tumatawag - ang asawa ni Ninong George. Baka nag-aalala na siya sa kanya. Mas mabuti siguro kung sasagutin ko muna upang mapaalam na narito si Ninong George at ligtas siya.








"Hello Ninang nandito po si--"






































"HELLO. MARE, SI G-GEORGE! BINANGUNGOT. WALA NA SYA! P-PATAY NA SYAAAA. HUHUHUHU. Tulungan mo ako!" parang napanawan ako ng ulirat sa aking narinig. Nabagsak ang cellphone na noon ay hawak ko, maging ang tasa na may lamang mainit na kape ay nabagsak rin at nabasag dahilan upang magising sina Inay. Iniabot ko na lamang sa kaniya ang telepono upang siya na ang kumausap kay Ninang.

Tulala lamang ako at hindi makuhang ipasok sa aking utak ang lahat ng mga pangyayaring naganap kanina lamang!

Halos maiyak ako hindi lamang dahil sa lungkot at pagkabigla, bagkus ay dahil na rin sa takot na aking nadarama. Tumingin ako sa sarili kong damit upang tingnan ito -- BASA! Totoong basa ang damit ko, tanda ng pag-akap ko sa Ninong kong wala na pala. Mata lamang ang naiigalaw ko. Tila naparalisa ako dahil sa takot. Tinungo ko ang mata ko sa upuan kung saan umupo si Ninong -- wala nga siya ngunit bakas ang tubig sa upuan, tanda na pumasok talaga si Ninong sa bahay at talagang nakasalamuha ko siya sa huling pagkakataon.

True Experienced Ghost StoriesWhere stories live. Discover now