Big, Black Man

1.6K 45 2
                                    

End of the Road Apartment --*Part 6 - Big, Black Man


Dahil nga nakita naming nagbukas-sara ang ilaw sa loob ng unit ni A aya nagpasya kaming apat (ako, si Jane, si A at si Tita) na bumalik sa bahay ni Ate Jeyy dahil talagang takot na takot kami.


"Dito muna kami" halos sabay-sabay naming saad kay ate Jeyy

Ikinuwento naman namin sa kaniya ang nasaksihan namin at ang sabi niya ay hindi na ito bago para sa kaniya. Lagi naman daw nilang nakikita na bumubukas ang ilaw na iyon dati pa kahit nung wala pang nakatira


"Gusto nyo pa ng isang kwento" basag ni Ate Jeyy sa katahimikan

"Sige! Sige!" nangunguna naman ako sa pag sang-ayon (syempre mahilig ako sa horror stories kahit takot ako)


"Tungkol naman dito sa bahay namin" ... "May kasama tayo dito na hindi nyo nakikita! Kami lang ni Myrtelle ang nakakakita" pananakot samin ni Ate Jeyy (si Myrtelle ay yung 1-year-old na anak nya)

Nagsilakihan naman ang mga mata namin at bakas mula dito ang nadarama naming takot. Dahil sa galing niyang magkukwento ay madarama mo talaga ang bawat detalyeng sinasabi niya.

 

Napatawa naman si Ate Jeyy. Nakakaasar sya. Lalo kasi nya kaming tinatakot ...


At nagsimula na syang magkwento


"Nung hindi ko pa anak yang si Myrtelle, nakikita ko na talaga yung malaki at maitim na lalaki... Dyan sa kusina!"  nagsitakbuhan naman kami na may halo pang pagtutulakan sa may pinto ng bahay nila dahil kanina lang ay nakaupo kami sa malapit sa kusina.


Nang medyo kumalma na kami at umupo na muli sa mga upuan ay dumeretso na sya sa pag-kukwento.


"Lagi ko syang nakikita. Nung una takot talaga ako. Sinubukan na namin s'yang paalisin ng maraming beses sa iba't-ibang paraan pero ayaw nyang umalis. Tumawag na kami ng kung sino-sinong albularyo ngunit isa lang ang sinasabi nila -- na malakas ang itim na lalaki. Pero hindi naman daw ito nananakit"

"Katulad ng sinabi ng mga albularyo ay mabait nga siya. Hindi naman sya nanggugulo samin pero talagang nakakatakot lang ang hitsura nya kaya gusto kong mawala sya rito"

"Pinabayaan namin sya. Minsan wala sya pero minsan nandyan. Minsan palakad lakad dyan sa may kusina minsan nakaupo lang sa may lamesa. Nung nag-isang taon na si Myrtelle, alam kong nakikita nya rin ang malaki at maitim na lalaking 'yon dahil sa t'wing makikita ko ang lalaki ay hindi ko mapatahan si Myrtelle sa pag-iyak at isa pa, dun palagi sya nakatingin sa lugar kung saan nakapwesto ang lalaki.

"Minsan ay nilagnat pa nga si Myrtelle. Tinangka ulit naming paalisin ang lalaki pero di pa rin sya natinag kaya pinakiusapan nalang namin sya na wag guluhin ang bata"

"Ginawa naman nya iyon... Pero minsan ay makulit sya at nagpapakita pa rin sya kay Myrtelle ... Gaya ngayon. Tingnan nyo si Myrtelle"


Sabay-sabay kaming tumingin kay Myrtelle na ngayon ay nasa kuna.

Nakatingin sya sa may bandang kusina at tumatawa na para bang may kalaro! Sumunod noon ay tila ba nagulat si Myrtelle at bigla na lamang umiyak.


FOLLOW || VOTE || COMMENT

True Experienced Ghost StoriesHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin