UNKNOWN #4

1.3K 43 6
                                    

                Galit ako! Napakasama ng loob ko! Kaya naman kahit alas dos na ng madaling araw ay hindi pa ako natutulog at umiiyak pa ako.

                Napagdesisyonan kong pumasok sa CR na nasa loob rin ng bahay na tinutuluyan ko. Binuhay ko ang gripo ng sa ga'yon ay may ingay na maririnig bukod sa mga paghikbi ko.

                Matagal-tagal na rin ako sa loob ng CR at siguro ay mag-aalas tres na rin ng madiling araw ngunit patuloy pa rin ang pagtulo ng luha mula sa namamaga ko nang mga mata. Wala pa rin akong balak na lumabas sa CR upang matulog na. Gusto ko pa ring umiyak ng umiyak hanggang mawala na ang sama ng loob ko.

                Nakatayo lamang ako at nakaharap sa salamin sa loob ng CR upang titigan at kaawaan ang sarili ko nang may biglang kumatok sa pintuan nitong aluminium.

                "Matulog kana! Tama na yan! Lumabas ka dyan, gagamit ako ng CR" agad akong kumilos upang maghilamos ng mabilis na mabilis.

                Alam ko kung kaninong boses iyon. Sa nanay ko. Siguradong papagalitan niya ako kapag nakitang mugto ang mga mata ko kaya naman nakatungo akong nagbukas ng pinto.

                Ang inaasahan ko ay naka-abang siya sa tapat ng pinto ngunit nangilabot ako ng walang tao ang naroon. Iniangat ko na ang ulo ko upang mas makita ko ang paligid. Lumingon ako sa kanan - dead end, pinto na iyon palabas! Lumingon ako sa kaliwa - lamesa, salamin at cabinet lang ang tumambad sa akin. Tumingin ako straight forward - nakasarang pinto ng kwarto ang nakita ko.

                Pumasok ako roon at mas nangilabot pa sa nakita ko. Ang nanay ko - tulog na tulog, nakabalot pa ng kumot at nakabaluktot dala ng mababang temperatura sa loob ng kwartong iyon.

                Humiga na lamang ako sa kama at nagbalot rin ng kumot, hindi lamang dahil sa malamig kundi natatakot ako. Sinubukan kong umisip ng mga possibilities katulad ng baka naman dun sa likod na pinto may kumatok at hindi sa CR pero mali - yung pinto lang ng CR ang aluminium at sigurado akong doon ko narinig na may kumatok. Sigurado rin ako na boses iyon ng nanay ko. Pero base sa nakita kong kalagayan ng paligid at ng nanay ko, hindi siya ang kumatok.

Sa palagay nyo ... SINO SIYA?

True Experienced Ghost StoriesWhere stories live. Discover now