Sa Poso

3.1K 86 11
                                    

Story #3: Sa Poso

Ilang taon na rin ang nakakalipas

Nang


Taong 2004:

Anim na taong gulang pa lamang ako ng panahong ito ngunit tandang-tanda ko pa rin ang mga nangyari na hinding-hindi ko makakalimutan.


Hindi man mismo ako ang nakaranas at nakakita, ngunit isa ako sa mga nakasaksi at kinilabutan!


Matagal nang may poso sa likod-bahay ng aking lola na malapit lamang sa aming bahay. Sa katunayan ay may isang bahay lamang na namamagitan sa bahay na tinutuluyan ng aming pamilya at sa bahay ng lola ko kung saan naroroon ang poso. Dito ay nakakakuha kami ng malinis na tubig na aming ipinapanligo, ipinapanlaba. Sa sobrang linis nga ng tubig nalumalabas dito ay maaari namin itong inomin.

Marami ang nakiki-igib dito dahil nga sa may malinis itong tubig na nailalabas. May ilan pang mga dumarayo para kumuha ng tubig. Sabi kasi ng tiyuhin ko ay sobrang haba daw ng tubo na inilagay nila sa ilalim kaya malinis talaga ang nailalabas na tubig nito kumpara sa iba.


Isa na sa parating dumarayo dito si Mamay Selyo.

Halos araw-araw siyang umiigib rito, di naman kalayuan ang bahay nila dahil tatawid lamang ng kalsada at naroon ka na sa kanilang munting dampa kung saan nakatira siya, ang kanyang asawa, mga anak at pati na rin ilang mga apo.


Si Mamay Selyo ay matanda na ngunit siya pa rin ang nag-iigib para sa pamilya niya, pinupuno niya ang tatlong tub ng tubig para may magamit sa buong maghapon. Nariyan naman ang mga lalaking apo niya pero bihira naman silang tumulong sa lolo nila.


Nanghina na si Mamay Selyo sa kalaunan. Hindi nagtagal at bumigay na rin ang katawan ng matanda. Dinapuan siya ng malubhang sakit dala na rin ng katandaan at hindi naglaon ay namatay.

Binurol ito at dumating naman ang mga anak galing ibang bansa -- mga anak na may sari-sarili nang pamilya na nakaalala lamang nang mamatay na ang kanilang ama.


Isang lingo lamang ang lumipas at inilibing na ito.


PAKTAPOS NG LIBING:

"Anak.. kumuha ka muna ng tubig sa batya at maghinaw muna tayo ng kamay bago pumasok sa bahay" utos ng biyuda ni Mamay Selyo sa kaniyang anak.


Isa itong pamahiin sa aming lugar: Kung galing ka sa pakikipaglibing ay kailangan mo munang maghinaw o maghugas ng kamay bago pumasok sa bahay upang siguradong wala kang naimbitang kaluluwa sa bahay ninyo.


Agad namang sumunod ang anak nito.

"Inay, ito na po"

"Anak, palitan mo ito--marumi. Doon ka kumuha sa poso sa kabila."

"Oh sige po inay"








"Inay ito na po" saad ng anak nito matapos makakuha ng tubig galing sa poso ng aking lola


Nagsimula namang maghinaw ang ilan sa kanila


"Arayyy!" sigaw ng isa

"Bakit po?"

"Ano ba yan!! Ang init ng tubig! Parang pinakuluan!" reklamo nitong muli

"Po? Pero sa poso po na laging pinag-iigiban ni Tatay ko yan kinuha. Nakapaghinaw na rin po ako dyan. Paano po iyon nangyari?" pagpapaliwanag ng anak ni Mamay Selyo


Ang bagay na 'yon ang isa sa mga hindi maipaliwanag na pangyayari pagkamatay ni Mamay Selyo.. Hanggang ngayon, hindi pa rin alam ng lahat ang dahilan ngunit nalimot na rin lamang ito sa kalaunan


True Experienced Ghost StoriesWhere stories live. Discover now