Truth Behind

1.5K 46 5
                                    

Kinabukasan... Naiwan akong mag-isa sa apartment namin.


Si Jane -- nakapasok na sa eskwelahan

Si Tita - nasa palengke at namimili ng pang tanghalian namin


May narinig akong umaakyat sa hagdan. Nagtaka ako dahil wala naman ibang aakyat sa hagdan dahil kami lamang ang nakatira sa taas ng compound na iyon. Imposibleng si Jane dahil nasa eskwela siya, imposibleng si tita dahil kaaalis lang niya at imposible ring si A dahil umuwi siya ng Quezon.


May biglang dumaan sa may bintana - taong naglalakad na siya namang ikinabigla ko.




"TITA! MERON NGA DITO!" sigaw nya. Nakahinga naman ako ng maluwag kahit papano nang malaman kong totoong tao ang dumaan sa bintana at hindi isang multo.


Mukang yung care taker ang kausap ng babaeng sumigaw.

Kinilabutan ako sa sinabi niya. Pilit kong pinoproseso sa utak ko kung anong ibig sabihin ng mga katagang binitiwan niya -- na "meron nga dito" 



Maya-maya ay narinig ko ang pagbukas ng pinto sa Room #5.

Nanlaki ang mata ko! Bakit nila ito binuksan? Isip-isip ko


Naglakas loob akong buksan ang pinto para makita ko kung sino ang nagbukas ng pinto sa kabilang kwarto.


Nakahinga ako ng malalim nang makita kong ang care taker pala ang nagbukas, may kasama rin siyang isang babae -- yun siguro yung sumigaw kanina.


Maraming sinasabi yung babae.

Hindi ko maintindihan yung iba -- lumabas sya ng kwarto dahilan para mapakinggan ko ng maayos ang iba pang mga sinasabi niya.



"Baka naman napagalaruan yung apat na lalaki kaya biglang umalis ..." tumigil siya bago nagsalita muli.


"Sa tingin ko ay nagpatay-buhay ang ilaw kagabi Tita..."


tumingin sya sa isa pa nilang kasamang binatang lalaki bago nagsalita muli



"Alisin mo ang ilaw na yun... At tara na, umalis na tayo" tinuro nya ang ilaw sa loob ng room

Nang makuha na ng binata ang bumbilya ay umalis na sila. Nagmamadali

- - - -
Confirmed! May mumu nga! :D Pero hindi ko alam kung bakit sila umalis ng nagmamadali.


FOLLOW || VOTE || COMMENT

True Experienced Ghost StoriesWhere stories live. Discover now