Gusto Mo Pa Bang Mag-Nurse?

3.5K 72 15
                                    


Story #2: Gusto Mo Pa Bang Mag-Nurse?

Ang kwentong ito ay isinalaysay sa akin ng aking pinsan.

Si EDZ- Nasa kinder pa lamang siya ay pangarap na niya ang maging isang Nurse. Tumatak ito sa isip niya nang araw na mamatay ang aming lolo. Napamahal na siya sa aming lolo kaya naman nang ito'y mamatay dahil sa sakit ay sobra siyang nalungkot at inisip na kung may magagawa lamang sana siya sa kalagayan ng aming lolo ay hahaba pa ang buhay nito.

-Lumipas ang maraming taon-

-Nakapagtapos na siya ng elementarya-

-Nakapagtapos na siya ng high school-

-Nakapagtapos na siya ng kolehiyo-

At dahil nga nakapagtapos na siya ng kolehiyo sa kursong kanyang pinili, matutupad na rin niya ang matagal niyang pinangarap na maging isang NURSE.

Natanggap agad siya malaking ospital sa Malate. Masaya niyang ibinalita sa kanyang ina na makakapasok na siya sa kanyang unang trabaho.

"Nay!" may malaking ngiti sa labi ni Edz.

"Oh, anak... ang saya mo ata ah?"

"Syempre naman nay, tanggap na kaya ako sa trabaho!" di pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang labi na nagmayabang sa kanyang ina.

"Oh, pano nay ... kain tayo sa labas!"

"Sige, nak."

"Nay, parang hindi po kayo masaya?"

"Masaya naman ako, pero kasi anak, naaalala mo ba yung sinabi ko sa'yo dati na hindi na tayo magtatagal dito at uuwi na rin tayo sa probinsya"

"Nay naman! Wag na po ninyo munang isipin 'yon, ang mahalaga ay may trabaho na ako ngayon"

Pumasok si Edz sa unang araw ng kanyang trabaho.

Maayos ang lahat. Marami agad siyang mga naging kaibigan at kahit ang head nurse ay nakakabiruan na niya agad dahil na rin sa taglay na pagkamasiyahin niya.

Isa sa mga naging kaibigan niya ay si Judith.

Mabait, maganda at matalino si Judith. Bago rin lamang siya sa ospital na iyon kaya naman naging magkasundo agad silang dalawa at naging mag-best friend pa.

Isang gabi habang silang dalawa ay nasa duty:

"Oh, Nurse Edz at Nurse Judith, iwanan nyo na yan sa night shift. Pasado alas-dyes na" sabi ng mabait na head nurse ng ospital.

"Oo nga Edz... Tara na. May tatlumpong minuto na rin nang matapos ang shift natin. Parang napapasarap ata tayo sa pagtatrabaho ah"

"Sige tara na nga at maghapunan na rin tayo" pagsang-ayon naman ni Edz

Medyo nakalayo na si Edz at Judith nang:

" Hoy! Kayong dalawa..." sigaw ng head nurse kaya napalingon sila

"Pasado alas-dyes na, maghagdan nalang kayo" dagdag pa nito

"Huh? Bakit naman po? Anong connect?" tanong ni Judith habang ngumingisi pa

"Mapagod kaya. May elevator naman e" dugtong pa ni Edz

"Naku, basta wag na wag  kayong gagamit ng elevator. Makinig nalang kayo sa'kin. Sige mauna na 'ko. Doc's calling me" pahabol nitong salita habang patakbong nagtungo sa kaliwang parte ng ospital

Patuloy na naglakad si Edz at si Judith papunta sa elevator.

Parehas silang pagod. Hindi na nila inintindi pa ang sinabi ng head nurse na wag gumamit ng elevator. Hindi nila maintindihan... Ayaw naman nilang mapagod pa lalo sa pagbabaha ng hagdan at isa pa ay matatagalan sila dahil nasa 7th floor pa sila. Gutom na rin sila at wala pang hapunan kaya naman nagpasya silang balewalain ang payo sa kanila.

True Experienced Ghost StoriesWhere stories live. Discover now