UNKNOWN #5

1.3K 43 1
                                    

Nitong nakaraang araw lamang ay nagkwento sa akin si Myrna (yung character sa first chapter), inutusan siya di umano ng kanyang ina upang kunin ang isang bagay na naiwan nito sa bahay ng aming lola.

Dahil sa talaga namang madilim ang paligid patungo sa bahay ng aming lola ay isinama niya ang nakababata niyang kapatid.

Matapos niyang makuha ang pinapakuha ng kanyang ina ay nakaramdam si Myrna na tila naiihi siya kaya naman napagpasyahan niyang magtungo sa likod-bahay ng lola namin upang doon magbanyo. Madilim pa rin kaya kasama pa rin niya si Joy, ang nakababata niyang kapatid.

Dahil sa may namumuo nang takot sa loob ni Myrna ay isinama niya sa loob ng banyo si Joy.





Hindi pa nagtatagal ay may narinig siya



"Myrna ang tagal nyo diyan. Kanina ko pa kayo hinihintay. Tara na, uuwi na tayo" boses iyon di umano ng nanay niya.

Ayon sa kanya ay hindi siya maaaring magkamali sa kanyang narinig dahil kilalang-kilala niya ang boses ng kanyang ina.

Dali-dali siyang tumayo at hinila ang kapatid palabas ng banyo. Ngunit ng buksan niya ang pinto ay wala namang tumambad sa kanya.



Naglakad na sila pauwi pero hindi pa rin matahimik ang isipan ni Myrna. Naisip niyang baka nagkamali lang siya at imahinasyon lamang niya iyon kaya minabuti niyang tanungin ang kanyang kapatid.

"Joy, may narinig ka rin ba kanina nung nasa loob tayo ng banyo?"

"Oo ate. Parang si mama! Pero bakit wala?" tugon naman nito

"Hala! Hindi ko alam. Hayaan mo na iyon" pagbabalewala ni Myrna

"Eh ate... sabi nya uuwi na raw tayo eh. Baka kasabay natin sya ngayon?"



Sa sinabi ni Joy ay nanlaki ang mga mata ni Myrna. Biglang lumamig ang hangin kaya napilitan silang magkapatid na magtatakbo na pauwi!

Halos pareho ang karanasan na aming nadanas ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin namin alam kung sino ba talaga ang nasa likod ng mga panggagaya.

True Experienced Ghost Storiesजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें