Sumpa nga ba?

2.5K 63 9
                                    

Pakibasa po ng maayos para madama nyo =D


Apatnapo't amin na minuto matapos ang ika-lima ng hapon - unti-unti nang lumulubog ang haring araw sa tagpong ito. Mag-isa lamang ako sa aming munting tahanan habang nagbabasa ng paborito kong libro





"Tao po?" bahagya pa akong nagulat dahil sa lakas ng boses ng tumatawag.

Nakasara kasi ang pinto kaya kailangan pa niyang tumawag upang makompirma kung may tao nga sa aming bahay.

Nang buksan ko ang pinto ay tumambad sa akin ang mukha ng isang pamilyar na babae, nakatayo at namumugto pa ang mata nito-marahil ay kagagaling lamang niya sa pag-iyak.


"Nariyan ba ang nanay mo?" saad nito


"Aa-ah.. N-nasa kabila po" hindi ko maipaliwanag kung bakit nakadama bigla ako ng natakot, may kakaiba siyang aura. KAKAIBA!


Hindi naman ito umimik at tumingin lamang sa ibang direksyon.


"Pasok muna po kayo at tatawagin ko ang nanay ko" pag-aalok ko sa kaniya

Tinanggap naman niya ang alok ko.

"Salamat" sabi niya, pagkuwa'y pumasok na siya sa bahay na siya namang paglabas ko





"Inay, meron pong tao sa bahay, hinahanap kayo" Sumunod agad siya sa akin at nagtungo na kami sa aming bahay


PAGDATING SA BAHAY:

"Oh Ate Ali ikaw pala. Napadalaw ka" bati ng aking ina sa babae

Bahagya lamang ngumiti ang babae..


Kamang-anak namin siya, hindi ko lamang natandaan ang pangalan niya. Ali pala. Si Tita Ali.


"Anong sadya?" dugtong pa ng aking ina

"Tulungan ninyo kami!!" medyo hysterical agad sya at mangiyak-ngiyak na. Natakot naman ako lalo dahil na rin sa inasta niya


"Bakit? Anong nangyayari?" nakakunot ang noo ng aking ina sa pagtatanong niya. Palatandaang naguguluhan ito at walang kaalam-alam sa nangyayari





Doon na nagsimula ang pagkukwento ni Tita Ali:


"Araw ng biyernes iyon, Hunyo 13, 2014. Lumipat kami ng bahay BUONG PAMILYA KAMI! Ayaw pa nga sana naming maglipat ng araw na iyon dahil na rin sa pamahiing malas ang Friday the 13th pero w-wala naman kaming magawa dahil pinapaalis na kami sa dati naming tinutuluyan" bahagya syang tumigil at di napigilang mapaiyak.

Hindi naman siya kinibo ng aking ina at naghintay lamang ito na kusa niyang dugtungan ang kaniyang salaysay.


"At dahil nga bagong lipat lamang kami ay marumi pa ang paligid kaya naglinis ako ng paligid. Alas sais na noon at patapos na akong magwalis nang bakuran nang biglang may sumulpot na matanda. Hindi ko siya kilala, ni hindi nga pamilyar ang mukha niya gayong wala pa namang isang  kilometro ang layo ang aming nilipatan sa dati naming bahay. Sa liit ng ating barangay ay dapat man lamang ay nakikita ko na siya dati ngunit hindi -- ngayon ko lang siya nakita. Ikinagulat ko ang bigla niyang pagsasalita... At alam mo ba ang sinabi niya?"

"Ano iyon?"





"Sinabi niyang umalis na daw kami sa bahay na iyon. Hindi raw pangkaraniwan ang bahay pati ang puno sa tabi nito kaya raw walang gustong tumira roon, kaya raw mura naming nabili ang bahay at ang pinakanakakakilabot ay ang sabihin niyang mauubos kami."

"Oh tapos?"

"Hindi ko na lamang inintindi iyong matanda. Naisip kong matanda na siya at maraming pamahiin. Pero... bawat gabi, inaalala ko iyon na baka magkatotoo ang sinasabi nung matanda! Hindi pa rin naman nawala sa akin ang takot na baka may katotohanan sa bawat salitang kanyang binitiwan. Wala akong pinagsabihan ng nangyari dahil ayokong guluhin pa ang isip ng asawa at mga anak ko.."

Bahagya siyang humikbi at nagpatuloy sa pagkukwento.

"Pero iyon ata ang pagkakamali ko! ...Nagpatuloy kami ng pamumuhay sa bahay na sabi ng matanda ay may sumpa.. hanggang sa...


Dumating ang kinatatakutan ko!! ..

N-namatay a-ang panganay ko!"


"Alam ko 'yon Ate Ali. Alam kong wala na siya.. Ilang buwan na din 'yon Ate, tanggapin na natin at patahimikin na natin siya. Isipin mo na lamang na hindi naman siya nahihirapan kung nasaan man siya" mahinahong tugon ng aking ina


"Namatay siya sa hindi malamang dahilan! Paano ako matatahimik? Bakit hindi maipaliwanag ng doctor kung anong sakit ang dumapo sa kaya!!?"

"Tanggapin nalang natin Ate Ali, pagsubok lang iyan ... Lahat naman tayo ay nahihirapan"

Umiyak na naman si Tita Ali.. Tila ba'y kamamatay lamang ng panganay niya, pero higit dalawang buwan na ang nakakalipas ng mamatay iyon





"Hindi pa tapos ang lahat!!" biglang basag sa katahimikan ni Tita Ali.

"Bakit?"

"A--ang ..." at humagulhol na siya at hindi na namin pa naintindihan ang mg sunod niyang sinabi.

"Hindi ko maintindihan.. Sabihin mo ng maayos." reklamo namang ng aking ina








"Ang a--asa-awa ko!!!   PA--ATAY NA!!!"

"ANO? BAKIT? .. KAILAN PA?" sunod-sunod na tanong ng nanay ko dala na rin ng pagkagulat. Maging ako naman ay nagulat rin sa narinig ko. Malakas pa ang asawa niya, bata pa at hindi naman namin nabalitaang may sakit ito.





"Kaa--nina lamang..!"

Nagulat lamang kami parehas ng nanay ko.


"Inuubos nya kami! Anong gagawin ko?? Katulad din ng sa panganay ko ang kinamatay niya, namaga ang buong muka na halos di na makilala..."

"Umalis na kayo sa bahay na yon Ate!" iyon lamang ang tanging naipayo ng aking ina kay Tita Ali dahil maging siya naman ay hindi rin alam ang dapat gawin at iyon lamang ang naisip niyang paraan.





Makalipas ang ilan lamang mga buwan...

Hindi pa din sila umalis dahil wala naman daw silang lilipatan .. at muli ay ipinaranas sa kanya ang lupit ng kapalaran. . Nawala ang isa pa niyang anak dahil pa rin sa hindi matukoy na komplikasyon ...


Doon pa lamang siya napilitan na lumipat na ng bahay. Kahit hirap sa buhay at mag-isa nang itinataguyod ang apat pa niyang natitirang mga anak ay gumawa na siya ng paaran upang makahanap na ng ibang matutuluyan. Mas mabuti nang mahirapan kaysa naman maubos ang kaniyang mahal sa buhay, isip-isip niya.


Sa ngayon ay nasa tahimik na ang buhay niya, kasama ang apat pa niyang natitirang mga anak ...











Thanks for reading!
FOLLOW || VOTE || COMMENT

True Experienced Ghost Storiesحيث تعيش القصص. اكتشف الآن