Elizabeth: The Woman on Her Nightmares

4.9K 114 31
                                    




Ang salaysay na ito ay mula sa aking pinsan:


Madilim na ang paligid, bahagyang umaambon at sinabayan pa ito ng biglaan at sabay-sabay na pagpatay ng mga ilaw sa mga kabahayan dahil sa pagkawala ng kuryente.

Natakot bigla si Myrna. Mag-isa lamang siya noon na naglalakad. Puro dilim lamang ang bumabalot sa kapaligiran, walang liwanag ang buwan, walang dumaraang mga sasakyan upang magsilbing ilaw sa daan at ni isa ay walang nagsisindi ng kandila sa kani-kanilang mga kabahayan.

Ilang minuto pa ay natagpuan na lamang ni Myrna ang sarili sa isang pamilyar na lugar at naging dahilan ng pagtinding ng kanyang mga balahibo.

"Paano ako nakarating dito?"

"Mama!!!"

"Mama!!!!"

"MAMA!!"

Tumigil siya sa pagtawag nang may napansin siyang isang babae, nakaitim ito. Kita na niya ang paligid, bahagya nang sumisilip ang buwan mula sa ilalim ng makakapal na ulap na kani-kanina lamang ay nakatabon rito.

Nakatayo lamang ang babae sa sa harap ng isang puntod.

OO TAMA KA! Nasa sementeryo nga si Myrna - sa isang pampublikong sementeryo. Hindi lalagpas sa 400 metro lamang ang layo nito mula sa kanilang bahay, pero nagtataka pa rin siya kung bakit at papano siya nakarating doon.

Humarap ang babae!!

"Ikaw! Ikaw ang anak ko!"

"Po? Hi-hindi po!"

"IKAWW! ... anak, ang tagal kitang hinintay at hinanap, sabi ko na nga ba at babalik ka din anak!"

Lumapit ito sa kanya, yinakap siya ng mahigpit at pilit siya nitong hinihila.

Sobra nang natatakot si Myrna. Umiyak na siya.

"Bitiwan nyo po ako!!"

"Parang awa na po ninyo"

"Hindi ako ang anak mo! Baka nagkakamali ka lang!"

"Hindi ako pwedeng magkamali, kamukang-kamuka mo ang anak ko!"

"HI-- HINDI PO TALAGA AKO YON"

"Anak, ako ito si nanay!! Di mo ba ako natatandaan ... AKO ANG NANAY MOOOOO!" sumigaw ng malakas ang babae na ikinagulat ni Myrna.

Bigla naman ay napasigaw din si Myrna.

Bigla siyang nagising mula sa isang tila bangungot na panaginip. Hinihingal pa siya.

Tumungin siya sa orasan ng kanyang telepono. Nangilabot siya, 2:59am at biglang naging 3:00am. Naalala niya ang sabi-sabi na ang alas-tres daw ng madaling araw ay devil's hour.

Di lamang iyon ang huling beses na napanaginipan niya nag misteryosang babaeng iyon.





Sabado:

"Myrna, samahan mo naman akong matulog sa bahay, umalis ang Tito mo eh" sabi sa kaniya ng isang tiyahin namin na walang anak.

"Sige po, tita! Magpapaalam lang po ako kay mama."


Maaga silang humiga pero hindi naman makatulog si Myrna. Alas-dyes na nang dalawin siya ng antok.





"AAA--AHHHHH"

"Wag kang matakot... Alam ko na ang totoo!" may luha sa mga mata ng babae.

"Myrna!"

True Experienced Ghost StoriesWhere stories live. Discover now