Suicide's Foul Play

1.6K 40 20
                                    

STORY FROM THE SECOND E-MAIL SENDER: JERIAN SANTIAGO (again...not real name, ayaw nya rin po magreveal ng true identity so I just have to respect)

STORY EDITED INTO THIRD PERSON PoV BY THE AUTHOR





Hindi akalain ni Jerian na magpapakamatay ang bunso niyang kapatid na noon ay labing tatlong taong gulang pa lamang. Kahit anong sikap niya ay hindi talaga niya malaman ang tunay na dahilan kung bakit nagpakamatay ang kaisa-isa niyang kapatid sa likod ng mura nitong edad.





"Ma, hindi ba kayo nagtataka. Napakabata pa niya. Imposibleng may malaki at seryoso na siyang problema para isipin niyang tapusin ang buhay niya. Maayos naman ang pamilya natin, maayos rin an—" hindi na naituloy pa ni Jerian ang sasabihin sapagkat pinutol ito ng kanyang amang mistulang nanggagalaiti sa galit

"Hindi lang ikaw ang nasasaktan Jerian! Mas nasasaktan kaming mga magulang niya! Nagpakamatay siya! Hindi ba't nasaksihan pa ng dalawang mga mata mo ang nakasabit na katawan niya mula sa kisame ng kwarto niya. Kaya please lang Jerian, tama na muna yang ipinaglalaban mo na hindi nagpakamatay ang kapatid mo ... dahil nagpakamatay talaga siya! Malinaw 'yon!" sabi ng kanyang ama











Tatlong buwan nang nakalibing ang kapatid ni Jerian ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring palya si Jerian sa pagbisita sa puntod nito. Araw-araw ay hindi niya nalilimutang puntahan ito sa sementeryo at alayan ng bulaklak at kandila. May mga pagkakataon pa ngang hindi niya namamalayan ay pumapatak na pala ang kanyang mga luha.


"Miss na miss na kita bunso ... Bakit mo kasi ginawa 'yon? Tanong niya sa kapatid

Nanlamig si Jerian sapagkat tila ba'y tumugon ang hangin sa kaniyang katanungan. Unti-unting dumaplis ang malamig na hangin sa balat ng binata. At kahit hindi ganoon kalakas ang hangin ay natumba ang vase na nakapatong sa puntod ng kapatid niya. Kasunod nito ang pagkalat ng masangsang na amoy sa paligid – parang .... Parang












































Amoy patay!

-         - -


Isang hapon ay bigla na lamang nakaramdam si Jerian ng matinding pangungulila sa kapatid kaya naman pumunta siya sa silid nito katulad ng parati niyang ginagawa noong buhay pa ito. Lagi siyang nagtutungo sa silid ng kapatid upang makipagkulitan o makipag-kwentuhan sa kaniya. Isa ito sa mga dahilan kung bakit alam ni Jerian na hindi magagawang bawiin ng kapatid ang sariling buhay -- dahil alam niya na wala namang problema ang masiyahing kapatid niya.





Nagtaka si Jerian ... tatlong buwan na siyang hindi muli nagagawi sa kwarto ng kapatid kaya naman ngayon lamang niya napansin na nakakandado na pala ito – hindi basta kandado ngunit nakakadena pa ito, bagay na ipinagtaka ng binata.


Sinubukan niyang itanong sa mga magulang kung nasaan ang susi sa kwarto ng kapatid ngunit napagalitan lamang siya kaya minabuti niyang hanapin ang susi pagkaalis ng mga magulang niya.

Nabigo siyang makita ang susi kaya tumigil na lamang siya ...











"kkkuyaaa" dinig ni Jerian na may tumawag sa kanya ng kuya.

Paglingon niya ay nakita niya ang  bangkay ng nakamulat at hindi kumukurap na kapatid – kita pa sa leeg nito ang marka ng tali na naging dahilan ng pagkamatay nito! Nakatirik ang mga mata nito na para bang galit sa kaniya. WALA NANG PILIK MATA AT KILAY ANG KANYANG KAPATID!























BIGLANG NAGISING SI JERIAN! Panaginip lamang pala! Ngunit nagbigay pa rin ito ng kilabot sa kanya. Hindi mawala sa isipan niya ang larawan ng walang pilik at walang kilay na kapatid, nakatirik at hindi kumukurap ang mata!

Bakit kaya ganoon? Isip-isip niya.




Bagaman madaling araw na at may nadarama pang takot ay nagpasya si Jerian na hanapin ang susi sa kwarto ng kapatid dahil hindi siya mapakali at tila ba'y may gusto siyang matuklasan.

-         - -





Isang oras lamang ang lumipas ay nakita na rin niya ang susi. Naging madali para sa kanya ang paghahanap dahil mahimbing ang tulog ng kanyang mga magulang.


Binuksan ni Jerian ang kwarto ng kapatid at ang unang sumalubong sa kanya ay isang masangsang na amoy. Naamoy na niya ito dati! Ngunit hindi niya matandaan kung saan. Biglang bumaba ang temperatura sa loob ng nasabing kwarto... at mas lumamig ang parteng braso niya na para bang may humawak rito...








Tatlong oras lamang ang nakaraan ---- at ang mga sumunod na pangyayari ay ang .....





























PAGDATING NG PULISYA SA KANILANG BAHAY UPANG ARESTOHIN ANG HALIGI NG KANILANG TAHANAN!














"Halos patayin ako ni Mama, pero at least tahimik na si bunso" saad ni Jerian!


HULAAN NINYO ANG NANGYARI! achichichi~

True Experienced Ghost StoriesWhere stories live. Discover now