Umiiyak siya. Namimilipit siya sa sakit. Gustong gusto ko siyang yakapin at sabihing tumahan na siya kasi nandito na ako. Na hindi ko siya iiwan. Pero pinigilan ko 'yung sarili ko. Ayokong magtake advantage sa sitwasyon. Ayokong pagsamantalahan siya. Noong natapos na, nagpumilit siyang tumayo para sana magpahinga sa cottage pero hindi niya kaya. Akmang kukunin ko na 'yung braso para isukbit sana sa balikat ko pero biglang...

" Gray. " biglang ako natameme sa kinauupuan ko ng tawagin ni Jandrix 'yung boses ko. Pero hindi ko iyon pinansin, buo na 'yung desisyon ko.

" Gray, punong puno na ako.  " pag-uulit niya.

" Kung punong puno ka na at hindi mo na kaya, pwede ka ng tumigil. " at saka ako tinulungan ni Miko paghahatid kay Reggo sa cottage.

Nang makarating kami sa loob ng kwartong tinutuluyan nila ay hindi naman makapagsalita si Nixon. Kitang kita ko 'yung gulat sa mata niya. Para siyang na-estatwa sa kinatatayuan niya. Nang maiupo namin si Reggo sa kanilang kama... kaagad itong lumapit.

" Anong nang... anong nangyari bae? Ano 'to? " tinutukoy niya 'yung mga pula pula sa binti ni Reggo.

" Nakagat yata ng dikya, Nix. " sagot ni Jam. " Pero 'wag kang mag-alala, ok na siya. Mabuti na lang anjan si Gray. " 

Tumingin siya sa akin at saka ngumiti.

" Salamat pare. " 

" Hindi mo naman kailangang magpasalamat. May pakiusap lang sana ako sa'yo sa susunod. " tugon ko dito. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin. " Kapag sa susunod at iniwan mo siya ulit ng nag-iisa... at may nangyaring hindi maganda, babawiin ko siya sa'yo dude. " 

Hindi ko alam kung saan ko nakuha 'yung mga pinagsasabi kong iyon. Alam ko lahat sila nagulat. Nakita ko 'yung mga ekspresyon nila, parang hindi sila makapaniwalang masasabi ko iyon. Ako rin naman eh. Hindi ko rin akalaing lalabas 'yun sa bibig ko at masasabi ko sa harap mismo ni Gray. Pero wala eh, nagawa ko. Bawiin ko man pero wala na akong magagawa. Paninindigan ko na lang. 

Hello, Stranger! [BID II] [BxB] [FIN]Where stories live. Discover now