Natatanga ka na naman, Gray. 

" O baka naman gusto mo lang talagang mapag-isa. Pwede ka dito sa puso ko. Mag-isa ka lang dito forever.binatukan ko nga 'yung sarili ko. Takte. Kailan pa ako naging ganoon kakorni? Hahaha.

Mga ilang mintuo pa ang lumipas at ganoon pa rin ang senaryo. Nasa tubig pa rin siya at ako... andito sa malayo. Patanaw-tanaw na lang. Maya-maya pa'y parang nakita kong nagkukumahog si Reggo doon sa tubig. O baka guni-guni ko lang 'yon? Tiningan ko siya ng maigi at natanaw kong parang namimilipit nga siya sa sakit. 

Dali-dali akong tumakbo ng matulin papunta sa tubig. Sa pagtakbo ko, naramdaman kong may natapakan ako at sigurado akong bumaon ito sa paa ko pero wala akong pakialam. Uunahin ko pa 'yon? E nasa panganib 'yung taong mahal ko. Dahil sa adrenaline rush ko, kahit mahapdi 'yung paa ko at alam kong mas lalo itong hahapdi kapag lumusong ako sa tubig, ginawa ko pa rin. Nilangoy ko 'yung lugar ni Reggo na mejo may kalayuan. Binuhos ko halos lahat ng lakas ko para lang makarating sa kanya ng mabilis. Nakakainom na rin ako ng marami-raming tubig alat pero hindi ko pinansin iyon. Naririnig ko na rin 'yung mga kasamahan naming sumisigaw sa may pangpang. Konti na lang, Reggo. Hinatayin mo ako. 

Nang makarating ako sa kanya. Agad siyang yumakap sa akin. Noong una, aaminin ko nabigla ako. Pero hindi ito 'yung oras para intindihin ko 'yung sarili ko. Narinig ko siyang humihikbi. Sobrang higpit noong kapit niya sa akin. 'Yung tipong bumabaon na 'yung mga kuko niya sa balat ko? Inalis ko 'yung pagkakayapkap niya at saka ko siya ibinaba sa likod ko. 

" Anong nangyari? " tanong ko.

" 'Y... 'yung ano ko, 'yung binti ko. Parang may kumagat kasi eh. *sob* Sh*t... ang hapdi talaga! " daing niya habang nasa kalagitnaan kami ng dagat, naglalakad papuntang pangpang.

" Kaya mo bang maglakad? " 

" H...hindi. Sobrang hapdi kasi. Na...nadikya yata ako. " 

Noong narinig ko 'yon, dali dali ko siyang binuhat papuntang pangpang. Inalis ko siya mula sa pagkakasakbat sa likod ko't binuhat ko siya ng parang sa bagong kasal. Wala na naman sigurong malisya 'to. Hindi biro ang madikya. Kaya naman noong makarating kami sa pangpang ay kaagad ko silang pinabili ng suka't kalamansi. Nagkaganito na kasi ako dati. Naalala ko pa kung paanong ginamot ako ni Daddy noong nadikya ako. Alam ko rin kung gaano kasakit 'yung makagat noon. Kaya naman noong nilalagyan ko na ng suka't kalamansi si Reggo, hindi ko magawang tumitig sa kanya. Ramdam ko kasi 'yung sakit niya. Doblehin mo pa, kasi ako, pati sakit sa puso nararamdaman ko. 

Hello, Stranger! [BID II] [BxB] [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon