Nagpa-print  din siya ng “MISSING PERSON” na may picture ni Joe. Dinikit niya sa mga poste ng kuryente. Pero walang kumontak sa kanya para sabihing buhay o natagpuan si Joe.

Tumingin pa siya sa mga nagbebenta ng mga tablet, nagbakasakali na may parehas na tablet. At nagtanong narin siya kung may available na VIRTUAL MAKER app sa appstore. Pero negatib.

Binalikan niya pa ang peryahan, ang burol, pero wala ni isang bakas ni Joe.

Tinuring ng lahat na patay na si Joe. Except kay Anika.

***

Ekasktong one year mula ng nawala si Joe – parang death anniversary niya. May naisip si Lexi.

Ayaw ni Lexi na magsenti si Anika, kaya kahit malayo pa ang birthday, nag celebrate si Lexi. Advance birthday party. Para lang may pagkaabalahan sila. Para lang hindi maalala ni Anika si Joe.

 “Salamat Lexi” natouch si Anika. Nasa birthday party na siya ni Lexi, siya ang may hawak ng cake “E ngayon, ano bang wish mo? Para naman makabawi ako sayo.”

“Totoo? Tutuparin mo?” na-excite si Lexi. “Isa lang ang wish ko friend, para sayo pa din…sana maka move on ka na.” sabay blow ng candle sa cake si Lexi.

Arayyyy!

Move on? Parang mahirap naman yata ang wish ni Lexi. Parang hindi sapat ang lifespan ni Anika para makamove on. Dahil kahit si Anika…hindi niya alam kung paano.

“Kailangan mo na siyang i-delete sa buhay mo, friend…” advice ni Lexi. “Simulan mo sa pagtapon ng mga bagay na magpapaalala sa kanya.”

Alam ni Lexi ganon kadali sabihin ang salitang “delete”…ang mag “move on”. Pero alam din ni Lexi, hindi magiging madali ito kay Anika.

Kaya si Lexi, change topic na lang…

“Oo nga pala friend, hinahanap ka ni Bb. Dracula. Gusto ka nya makausap tungkol sa thesis mo.”

“Bakit daw?”

“Gusto nya yatang ilaban ang thesis mo abroad. Good opportunity yon para makalayo ka naman. Malay mo don ka makamove on!”

Imbes na matuwa si Anika sa balita. Nalungkot uli siya, dahil pati ang thesis. Pinapaalala din nito si Joe!

Hanggang sa may makita si Lexi…

“Uy Joe!” bati ni Lexi.

Gulat si Anika. Binibiro lang ba siya ni Lexi? Hindi siya agad nakalingon.

Si Joe? Buhay si Joe?

Pero hindi pa pala tapos si Lexi. “—Nathan!” Jonathan pala! Bakit ba naisip ni Anika na si Joe yun?

Duh. Lahat na nga lang, kinokonek niya kay Joe!

Si Jonathan, at hindi si Joe. Pinsan ni Lexi. Batang lalaki na naka- big bad wolf na costume. Parang young version ni Joe.

Naalala tuloy ni Anika si Joe kay Jonathan, “ang cute mo naman!”

“Cute talaga siya!” sabat ng isang batang babae. Naka-little red riding hood na costume.

Niyaya ng batang babae si little Joe. Sinundan lang ng tingin ito ni Anika. Nagselfie ang mga ito gamit ang tablet. Tapos naglaro together ng game sa tablet.

Awwww…

Halos mamuo ang mga luha ni Anika. Parang nanadya ang tadhana sa kanya sa araw na iyon. Naalala niya ang gabi ng Valentine’s Party. Ang gabing pangako ni Joe na hindi siya iiwan nito. Ang pangakong napako.

MY APP #BOYFIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon