Just Say YES

70.9K 1.2K 259
                                          

Hindi agad nakasagot si Anika sa tanong ni Joe. Hindi niya alam kung ano ang isasagot.

“Ay, arte pa?”Dinig ni Anika na sabi ng mga students na nakikinig at nanonood. “Choosy te?”

Kung totoong tao lang itong si Joe –hindi na kailangan ni Anika na pag-isipan pa. Wala ng hesitations. Go na agad. Oo na ito. Yes. Yes. Yes.

Pero hindi naman tao si Joe. At kaya lang siya nasa harap ni Anika ngayon… kaya siya ganito ka sweet at ka romantic kasi nauutusan siya. Hindi kusang loob.

Dahil kung totoong tao si Joe, I doubt kung gagawin niya ito. Wala ngang pangit na nag-aaya sa akin makipag-date. Yung ganito ka gwapo pa?

“Will you be my date, Anika?” Inulit ni Joe ang tanong niya.

“YES!!!!” Si Lexi ang sumagot. “Yes ka na, friend!”

Nagtatalo ang loob ni Anika. Magye-yes ako? Makikipag-date ako sa hindi tao? Ano to, lokohan?

Gusto niya mag No. Gusto niya tanggihan. Mukhang tanga naman kung papayag siya.

Pero nagtataka si Anika – bakit hindi niya kayang tumanggi? Bakit hindi siya magawang mag No kay Joe?

Jusko, Joe. Ano bang meron ka at hindi ako makatanggi sayo?

Dapat magno-NO na si Anika. Dapat dito pa lang, irereject na niya si Joe.

Pero parang ayaw gumana ng mga senses ni Anika. Ayaw bumuka ng bibig. Hindi siya makakilos. Hindi makasalita. Hindi maalis ang kamay sa pagkakahawak ni Joe. Nakatingin lang siya kay Joe. Titig na titig.

Sinong mag-aakala na hindi ka tao?

Si Joe, nakangiti lang sa kanya. Naghihintay ng sagot.

Bakit hindi ako makagalaw? Bakit hindi ko masabi ang gusto kong sabihin?

Halos tumigil ang buong mundo sa pag-ikot. Lahat nakatitig lang sa kanilang dalawa.

Hindi nila namalayan. Nagdilim na ang buong paligid. Sumungit ang panahon.

Hanggang sa…

“Plok…Plok..Plok…” sunod-sunod ang patak ng ulan. Lahat nagtakbuhan paalis ng soccer field.  Akala mo matutunaw sa patak ng ulan.

Si Lexi, tuwang-tuwa sa nangyayari.

Perfect! Kahit ang langit umayon sa mga balak ko. Hihihi.

Nilabas ni Lexi sa bag ang huling props. Ang payong! Kulay Rainbow.

Iniwan niya ito. Iniwan malapit kina Anika at Joe.  At saka sumilong.

Sina Joe at Anika, naiwan sa gitna ng soccer field. Parang walang balak umalis.

Nang mapatakan si Anika sa noo. Biglang natauhan.

“Ay! Umuulan!” gulat ni Anika. Pipiglas sa pagkakahawak ni Joe. 

Gusto na sana ni Anika tumakbo para sumilong pero mahigpit ang hawak ni Joe sa kanya.

“Bitawan mo ko! Mababasa tayo!” piglas ni Anika.

Si Joe, tuloy lang sa pagtanong, “Will you be my date?”

Sira talaga to! Mababasa na kami. Date pa din ang iniisip!

“Bahala ka nga dyan!” nakapiglas si Anika. Tumakbo agad.  Pero sa pagmamadali, natalisod si Anika… BLAG!

Nadapa si Anika.  Subsob sa lupa.

Putikkkk! Kamalasan galore.

Di agad nakabangon si Anika. Pag-angat ng ulo niya…

“Hey beautiful, will you be my date?” sabay abot ni Joe ng kamay kay Anika.

Sumimangot si Anika. Nakukulitan na kay Joe.

Ang kulit talaga nito! Walang ibang alam na sabihin? Paano ako papayag makikipag-date kung yun at yun lang ang itatanong  niya sa akin.

Hindi inabot ni Anika ang kamay. Tumayo siya mag-isa. Si Joe, binuksan ang payong. Ang payong ni Lexi.

Walang choice. Kailangan kong sumukob sa payong niya.

Nakisukob si Anika kay Joe.  Sa paghakbang niya, “Arayyy! Ang sakit ng paa ko.”

Pipilitin pa ni Anika maglakad. Pero hirap siya.

Pinahawak ni Joe ang payong kay Anika.

Anong binabalak na naman kaya nito?

Biglang binuhat siya ni Joe. “Ay! Anubayan! Ibaba mo ko!” gulat ni Anika.

Ang langit parang gustong pektusan si Anika. Kumidlat ng malakas. Dagundong!

Naman, Lord! Sige na po, di na po ako aarte. Heto na nga oh!

Muling kumidlat! Mas malakas!

Sa gulat... Napayakap si Anika kay Joe. Takot na takot. Iniisip niya…

Baka tamaan kami ng kidlat. Ayoko matusta!

Si Joe, napangiti lang. Naglakad. Buhat-buhat si Anika. Habang hawak ni Anika ang payong.

Si Anika, napatingin sa mukha ni Joe. Low angle.

Naalala ni Anika ang lahat…

Ang ulan. Ang payong. Si Dreamboy. Parang naulit lang ang  panaginip ko. Pero sa pagkakataong ito, totoong totoo.

Umuulan pero hindi alam ni Anika bakit ang init ng pakiramdam niya na buhat buhat siya ni Joe at nakapulupot ang braso ni Anika sa leeg ni Joe. Sa sobrang bilis ng tibok ni Anika, parang nahihirapan siyang huminga. 

Nasa ilalim sila ng isang rainbow. Rainbow sa gitna ng malakas na ulan. At ganoon din ang tingin ni Anika sa paligid -- parang rainbow: Makulay. Masaya. Nakaka-kalma. Nakaka-good vibes. 

Ohemgee. What is this I'm feeling?

MY APP #BOYFIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon