Stay With Me

41.9K 1K 294
                                          

 “Sobrang ganda mo, friend!” todo kilig si Lexi “Kung ako yung nasa pwesto mo kanina. Sinakmal ko na ang abs nya!”  Mukang hayuk na hayuk si Lexi kay Joe.

Si Joe, tinitignan lang ni Anika. Pinagkakaguluhan pa din ng mga babae. Kahit wala na sila school. Nasa isang Dress Shop na sila sa isang mall. Nagpasama si Lexi. May kinuhang order.

Napansin ni Anika parang matamlay si Joe. Parang nanghihina.

“Hindi kaya may masakit talaga sa kanya?” worried pa din si Anika. “Ipa-check up kaya natin siya?”

 “Check up? Si Joe? Hindi pwede, anukaba!” sagot ni Lexi. “Nakalimutan mo na ba? Hindi siya tao!”

Hindi nga tao si Joe. Pero may narinig si Anika na tumibok kay Joe. Tibok ng puso?

“Sure ka? Paanong nagkapuso si Joe?” taka si Lexi. Aasarin si Anika, “Naku, pauso ka! Baka naman yung puso mo ang narinig mo! Tumitibok na para kay Joe!”

“Ha? Hindi no!” in-denial si Anika. “Sarap mo rin kausap friend no?”

“Masarap talaga ako!” pagmamaganda ni Lexi. “Eh kasi naman…Pano naman magkakapuso ang isang tulad ni Joe?”

Hindi talaga alam ni Anika ang sagot. Para sa kanya…

Habang tumatagal, mas lalong nagiging weird si Joe.  Ang mga bagay-bagay tungkol  kay Joe. Ang nadedevelop na feelings nya para kay Joe.

Alam ni Anika kailangan nyang pigilan ito madevelop. Dahil alam nyang walang patutunguhan kung madevelop siya kay Joe. Dahil sabi nga ni Lexi, hindi totoong tao si Joe.

Biglang lapit ng staff sa kanila.  Bitbit ang mga inorder. Excited na kinuha ni Lexi.

“Ayan friend para sayo…” sabay abot ni Lexi ng dalawang plastic bags kay Anika. “Tapos yang isa, para kay Joe!”

“Sandali, para san ba to?” taka si Anika. “Anong okasyon?”

“Anukaba! Para yan sa Valentine’s Party natin bukas!”

Ano!? Bukas na ba yon!?

Bukas na ng gabi ang Velentine’s Party. Ang pinaghandaan ni Anika ng isang buong taon. Ang pinangarap nyang puntahan sa buong college life nya. Halos nakalimutan nya dahil sa mga kakaibang nangyari nitong mga nakaraang araw.

Buti na lang pinaalala ni Lexi. Buti na lang nai-prepare na ni Lexi ang lahat. Lalo na ang mga damit.

Pero imbes na maexcite si Anika, sobrang nagtaka siya.

“Bakit ganito susuutin natin?”

***

Ibang-iba ang dresscode ngayong taon. Hindi traditional formal attire. Ang theme this year: Fairytale Couples. Gaya nina Beauty and The Beast. Peterpan and Wendy. Frog and the Princess.

At sina Anika at Joe… bilang Red Riding Hood and the Big Bad Wolf.

Yung totoo? Valentine’s Party ba ito? O Halloween party?

“Well, yan ang trip ng student council! Sumunod na lang tayo, friend!” sagot ni Lexi.    

“Trip ka din e! Hindi mo man lang tinanong, kung anong gusto ko suotin?” angal ni Anika habang suot na ang mapulang damit. Nakapasok na sila ng venue. Ilang minuto na lang Valentine’s Party proper na.

“Arte ka pa, friend?” biro ni Lexi, “Hubarin mo na lang kaya? Sabihin mo nawala sa kakahuyan ang damit mo! Hinubaran ka nya!” Sabay turo kay Joe.

MY APP #BOYFIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon