Will You Be My Date?

74.3K 972 163
                                          

Halos kaladkarin ni Melvin si Anika. Papunta sila sa may canteen. Si Anika kinikilig at nasasaktan at the same time.

 “Aray, sandali lang…” piglas ni Anika. “Bitawan mo muna ko…”

“Tatakas ka lang e” sabi ni Melvin. “Halika na, minsan lang kita ilibre e”

Sa may hallway ng school, may napansin si Anika. Ang mga boys may dalang mga rosas. Naalala nya…

Today is Monday. The official first day of so-called Sweet Week.

 Ang week kung kelan nagaganap sa campus ang maraming romantic proposal gimmicks. Para sa upcoming big event next week.

Next week ang Valentines Party. Ang party na pinaghahandaan ng lahat. Ang party na pinupuntahan ng lahat ng couples. Ang romantic party na pinapangarap ni Anika na ma-experience with her special someone…si Melvin!

Napatingin si Anika kay Melvin. May narerealize.

Akala ko ba si Steffi ang gusto mo? Hindi kaya ginagamit mo lang si Steffi para magpalakad sa akin? Kaya ba kayo nag date ni Steffi para tanungin siya tungkol sa akin? Kasi gusto mo akong i-surprise?

Lalong kinilig si Anika.

Hindi ko na pala kailangan si Joe para pagselosin si Melvin! Kasi bistado ko na. Ako ang type ni Melvin– hindi si Steffi. Sabi na nga ba. May mga lalaki pa rin na personality ang tinitingnan, hindi lang beauty!

Pinagtitinginan siya ng mga schoolmates. Lalo ng mga babae. Shocked ang mga mean girls.

Capital O-M-G. Melvin with the Antukin Anika? Siya ang magiging ka-date nito? Ang pangit nya kaya!

Si Anika, rumesbak. Humawak sa braso ni Melvin. Feeling dyowa sya.

Shen bhe keshe teye pepente…”arte ni Anika.

Yuckkk…

Inggit ang lahat sa kanya.

Taas noo si Anika. Feeling victorious. Feeling sobrang  ganda.

Biglang huminto si Melvin. Nasa loob na sila ng canteen.

Humarap si Melvin kay Anika. Napahawak pa sa braso nya. Ang higpit.

This is it!

Palakas nang palakas ang tibok ng puso ni Anika. Parang sasabog. Todo practice na sya sa isip, kung pano siya sasagot. Just in case.

Sure!...Yes!...Absolutely Yes!...Oo!

Nagsalita si Melvin, “Anika…gusto ko sanang…”

Excited si Anika…“Gusto mong alin…”

“Gusto ko sanang ibigay ito!” binigay ni Melvin ang isang card. May nakasulat ----

WILL YOU BE MY DATE?

Jackpot!

Nangyari ang inasahan ni Anika. Ang matagal nya nang hinihintay!

Juice colored! Gusto nya kong maka-date! 

Sabay tugtog ng music.

You are my first romance…And I’m willing to take a chance…

Siya lang ang nakakarinig. Ngiti abot langit si Anika.

Sasagot na sana sya nang matamis na OO. Nang… STOP MUSIC.

“O, pakibigay na lang. Para kay Steffi” sabi ni Melvin.

Parang binagsakan ng buong mundo si Anika. Ang bigat ng katotohanan!

Freeze si Anika. Parang may pumindot ng POWER OFF. Parang si Joe lang kahapon.

May lumapit na mga lalaki. Mga kabarkada ni Melvin. May dalang gitara. May dalang mga rosas. Proposal gimmick sana ni Melvin para kay Steffi.

Absent si Steffi. Nasa shoot ng isang movie. Buong linggong mawawala. Sana nga buong buhay na lang.

“Kaya pala naka-off ang phone” sabi ni Melvin. “Kala ko galit sakin”

Kung may galit sa mga oras na yon. Si Anika yon. Galit siya sa sarili nya. Umasa na naman siya.

Bilang pakunswelo. Nilibre pa din sya ng halo-halo.  Binigay lang sa kanya. Hindi siya sinamahan. Biglang sibat si Melvin.

Parang basahang iniwan. Durog ang puso ni Anika. Sobrang tulala siya.

Mixed emotions. Puyat. Hiya. Broken hearted.

Kung pwede lang sanang magpahampas ng kawali kay Joe. Para may ibang sakit naman akong maramdaman.

 

Kaso wala si Joe. Nasa bahay. Naka-off pa din.

MY APP #BOYFIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon