Virtual Anika

101K 1.3K 152
                                          

Ipinakita ni Anika kay Lexi ang tablet. Nakakunot ang noo ni Lexi habang tinitingnan ang tablet.

 “Anong klaseng tablet ko? Ngayon lang ako nakakita ng ganito!” Sabi ni Lexi.

 Binawi ni Anika ang tablet and examines it. “Sabi ni Manang, magagamit ko daw to para makuha ang gusto ko.”

 Natawa si Lexi. “Ano yan, magic tablet? May genie sa loob? Parang magic lamp ni Aladin?”

 Inagaw ni Lexi ang tablet kay Anika. Hinimas-himas. Pumikit pa at nagchant.

 “Ooooom… Ooooom… Penge ng pera.. Ooom.” 

 Hinampas siya ni Anika sabay bawi ulit ng gadget.

 “Huwag ka nga! Yan lang ang magandang nangyari sa araw ko kahapon.”

 Nalungkot ulit si Anika nang naalala niya ang nangyari kahapon. Si Melvin. Ang date nI Steffi at Chad. Ang pagkawala ng wallet niya. Ang tuluyang pagkasira ng cellphone niya.

 “Paano naging maganda iyan… hindi naman di natin alam ano kayang gawin niyan!” Kontra ni Lexi. “Tingnan nga natin ang mga apps dyan! May games man lang ba?”

 Binuksan ni Lexi ang gadget. Nahirapan pa syang hanapin kung nasaan ang power button.

 “Kakaiba talaga!” Sabi ni Lexi.

 Nakita nila ang loob ng tablet. Walang laman. Walang ibang naka-install na app. Walang games. Walang social media. Walang kahit ano.

 “Ay, friend… confirmed. Useless ang tablet na ito! Ang only purpose niya – paperweight! O kaya, deadly weapon. Panghampas sa gustong mangholdap sayo!”

 Binalibag ni Lexi ang tablet kay Anika. Kinuha ni Lexi ang sariling phone at ito na lang ang dinutdot niya ng dinutdot.

 Pero si Anika, hinawakan lang ang tablet. Tiningnan. At nag-swipe. Swipe lang siya ng swipe.

 Nagtaka si Lexi as she turns to her friend.  “Anyare? Anong meron?”

 “Tingnan mo to!” Sabi ni Anika.

 May tinuro si Anika kay Lexi. Sa bottom part ng tablet, may isang maliit na icon. Icon ng tao na walang mukha.

 “VIRTUAL PERSON MAKER” Binasa ni Lexi ang pangalan ng app. “Ano iyan?”

 Pinindot ni Lexi ang icon. Biglang bumukas ang app…

 “This app will help you create your own animated character,” tuloy si Lexi sa pagbasa.

 Lumingon si Lexi kay Anika. “In fairness… kakaiba. Walang ganito ang apple at android!”

MY APP #BOYFIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon