LoveSick

71.4K 1.3K 567
                                    

“Atchoo!” bahin ni Anika. Hindi na niya mabilang pang ilan na to. Pang 350 na ata.

 Bagong bihis si Anika. Nakauwi na sa bahay kasama si Lexi at Steffi.

 Nagkakape sila ni Lexi pero si Lexi, tinitimpla muna ang mood ni Anika. Nagtanong tungkol kay Steffi. Sa parents. Nasan si Steffi? Nasan ang parents?

 “Si Steffi may shooting.. out of town. Sina Mama, umuwi sa probinisya. May dinalaw na kamag-anak.”

 Noong sa tingin ni Lexi ay okay na si Anika, saka ito umamin sa ginawa. Ang tungkol sa kinuhang tablet. Ang pag-control kay Joe para sa proposal gimmick.

 “Friend, para sayo talaga yon!” sumbat ni Lexi. “Panalo di ba? Sabi ko sayo babawi ang tadhana.”

Tadhana ba yon? Considering na ginawa yon ni Lexi? Considering na controlled lang si Joe? Hindi tadhana yun! Program ang tawag don!

Ano man ang tawag dun. Ang mahalaga, mabilis napatawad ni Anika si Lexi.

Sa totoo lang, nag-enjoy din naman kasi si Anika. Ang grand set up. Ang pag buhat ni Joe sa kanya. Parang eksena sa isang romantic movie. Siya ang leading lady. At ang yummy ng leading man niya. Sana nga walang ending.

Ang pinag-uusapan nilang si Joe, parang may sariling mundo… Nasa may bintana. Pinapanood ang ulan. Sumulyap si Anika kay Joe. Nakangiti si Joe habang nakatingin sa ulan. Nahawa tuloy si Anika… napapangiti na din.

 Napansin ito ni Lexi. “Ahem!” saway ni Lexi. Bibiruin si Anika, “Tinamaan ka yata ng kidlat, friend!”

“E di sana tustado na ko ngayon! Atchooo!”

“Sige panindigan mo pagka-slow mo, friend” sabi ni Lexi. “Hindi kasi literal…ibig kong sabihin. Tinamaan ka sa kanya!” sabay turo ng nguso kay Joe.

“Ewan ko sayo, Lexi! Ikaw matatamaan sakin e. Tandaan mo may kasalanan ka pa sakin! Atchooo!”

“Sorry na nga di ba?...Anong gusto mo, halikan ko si Joe para mapatawad mo ko? Sige gagawin ko!”

Tumayo na si Lexi, lalapit n asana kay Joe pero hinila siya ni Anika.

“Loka ka talaga! Atchoo! Atchooo!” halos matalsikan si Lexi ng laway ni Anika.

“Ay! Anobayannn! Takip-takip din, friend!” layo agad si Lexi. Dagdag niya, “uwi na nga ako baka mahawa pa ko sayo, may project pa ko!”

Hala ang project ko!!!

Naalala ni Anika. May special project din pala siya kay Bb. Dracula. Kaso, hindi siya nakapunta sa office kaninang 3:30 PM. Lagot!

Ang special project ni Anika. Thesis level. Kahit hindi major si Bb. Dracula. Pinagawan siya nito. Dahil lagpas na sa 5 ang absent days niya. Para makapasa pa din sa subject nya, kailangan pasado ang thesis grade niya. Dahil kapag hindi…

Mawawala ang scholarship ko! At hindi ako makaka-graduate on time! Noooo!

Patong-patong muli ang problema ni Anika.

First problem, hindi pa nya tapos.  Second problem, deadline on Wednesday! May isang araw pa siya.

Nakaisip ng not-so-bright idea si Lexi!

Try mo gamitin si Joe. Na-set natin siyang matalino di ba? Makakatulong siya!

Si Anika, hindi agad sangayon. Hindi nya kayang gamitin si Joe.   Meron siyang prinsipyo sa buhay.

Form of cheating yon! Cheating is a crime!

May isa pang problema si Anika, dala ni Steffi ang ginagamit niyang laptop!

MY APP #BOYFIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon