New Life

31.6K 1.2K 574
                                          

Nagising si Anika mula sa pagkakatulog. Napanaginipan niya na naman ang huling tagpo. Ang tagpong iniwan siya ni Joe. Ang tagpong isang taon na ang nakararaan.

Isang taon ng wala si Joe. Pero sa buong taon na iyon, hindi nawala si Joe sa panaginip…sa isip…sa puso ni Anika.

Habang lahat naka-move on na…

Si Steffi, narealize na hindi siya sisikat bilang artista… isa na sya ngayong rising fashion stylist. Sa pag-ibig, iba na ang style niya…hindi niya na kailangan maging patay-gutom o mang-ahas ng dyowa ng iba. Magaling na siya mangilatis ng lalaki. Love yourself na ang motto niya. At mas love niya na ang Ate Anika nya ngayon.

Si Melvin, narealize niyang hindi nadadaan ang lahat sa pagpapakyut…sa pagyayabang…sa pagiging mayaman. Hindi nya kailangan ng maraming trophy girlfriends para may patunayan sa sarili at sa iba.


True love at hindi lang pera ang puhunan niya na kapag nanliligaw. Sa ngayon tini-train na siya sa paghawak ng company nila.

Si Manang, narealize na mas kailangan siya ngayon ni Lucille.  Siya ang nag-aalaga sa nadepress niyang kapatid matapos malugi sa negosyo. Hindi na rin nito nagawang ayusin ang tablet.

 Si Lexi, stable pa rin ang relasyon sa boyfriend pero nag-apply ng scholarship para mag masters abroad. Para sa kanya, ang pag-level up naman ng relasyon nila ay makakapaghintay.

First priority nya na maging stable. To pay back sa mga taong tumulong makapagtapos siya. One step at a time…na hindi nakakalimutan ang magmahal.

Samantalang si Anika, isang taon ng may Separation Anxiety. Hindi maka-move on kay Joe.  Sinubukan naman niya. Tinulungan pa nga siya ni Lexi makipag-blind date kung kani-kanino. Nag-retreat na rin siya. Namasyal na siya kung saan-saan. Nag-try na rin siyang gawing busy ang sarili nya. 

Pero kahit anong gawin nya…kahit ilang beses na pilitin ang sarili o magpanggap na naka move on na siya. At the end of the day, sa tuwing mag-isa siya…kahit feeling niya nasa kanya na ang lahat. Sa huli, may kulang pa din – si Joe. Si Joe pa rin ang hinahanap niya.

Hindi siya masisisi dahil kahit saan siya magpunta, ang nakiktia niya ay mukha at pangalan ni Joe.

Sa lahat ng establishments…

University of Joe. Joe’s Internet Café. Joe’s Drugstore.  Mang JOE Inasal. McJOEnald. JOEllibee. Kambingan ni Joe. Joe’s Sari-sari Store.

Sa pagsakay niya ng Bus, Jeep, Trike, Tren…

Lahat ng billboard ng concerts, perfume, garments, underwear etc …mukha ni Joe ang model!

At kahit pumikit siya para hindi makita ang mga ito. Pagbukas niya ng radio o kahit makinig siya sa playlist…

Puro theme songs nila na nagpapaalala kay Joe! Ang mga lyrics, mga sinabi sa kanya ni Joe!

Kahit manood siya ng movie, teleserye, news programs o magbasa ng books…

Lahat na lang may part doon na nagpapaalala kay Joe. Parang lahat tungkol sa naging love story nila ni Joe.

Kahit mga simpleng quotes o signboards…

Feeling niya lahat patungkol kay Joe. Feeling niya lahat patama sa kanya.

“Para kanino ka pa gumigising Teh?”

“Keep Right. Keep Moving On”

“Huwag umibig dito, nakamamatay!”

ARAAAAAAY!

Kaya dumating sa point sa sobrang kadesperahan niya…

 Nag-search pa siya sa facebook, twitter, instagram.  Chineck niya kung may account si Joe. Pero hindi niya alam ang surname ni Joe. Ni hindi nga siya sure kung may apelyido siya. Tinype niya lang ang Joe. Joe Wah. Joe Pogi. Joe Abs.

MY APP #BOYFIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon