Lowbatt

30K 929 271
                                          

Mula sa party, inuwi nina Anika at Lexi  si Joe. Pinalabas nilang nalasing lang ito.

Sa bahay nila Anika...

 “Sabi ko na e!  Lowbat tong tablet oh!” sabay abot ni Lexi ng tablet kay Anika. “10% na lang ang power!” 

Si Anika, may biglang naalala.

Minsan na rin nalowbat ang tablet. Nang minsan nyang i-charge. Nagkaroon ng pagsabog. At lumabas si Joe!

Kaya agad-agad nilabas ni Anika ang mga charger sa drawer. Umasang ito ang solusyon.

“Naku friend ha, baka sumabog tayong lahat dito!” takot si Lexi. “Sure ka ba sa gagawin mo?”

Hindi sure si Anika. Pero ang sure sya, ayaw nyang malowbatt si Joe. Ayaw nya nang mawala si Joe. Kaso…

Hala! Bakit walang nangyayari?

Kahit anong charger ang isaksak ni Anika. Walang effect. No charging ang tablet. 

Anong nang gagawin natin?

***

Ginawa nila ang pwedeng gawin. Sinubukan ni Lexi ipatingin ang tablet sa mga technician. Pero walang nakakaalam pano ayusin.

Sinubukan niyang maghanap ng compatible na charger sa mall, sa tiangge, sa kung saan-saan. Pero walang gumana.

Habang si Anika, sinunod ang isa pang suggestion ni Lexi.

Kailangan mong makita ang matanda! Ang matandang nagbigay ng tablet!

“Ano friend negatib pa din?” tanong ni Lexi kay Anika. Nasa labas sila ng Mall. Ang mall kung saan nakilala ni Anika ang matandang babae. Naghintay si Anika halos kalahating araw na. 

“Sigurado ako, alam ni Manang ang solusyon!” confident si Lexi. Kabaligtaran ni Anika, puno siya ng negativity.

Paano kung hindi naman taga dito ang matanda? Paano kung hindi nya na to makita? Paano kung hindi na ma-charge si Joe? Mawawala na si Joe?

***

Kahit tirik na ang araw, matiyagang naghintay sina Anika at Lexi. Tumambay sila sa shed. Sinipat lahat ng mukhang nakikita nila. Lahat ng dumadaan, tinitingnan, hoping na makita ang matanda.

Bumaba na ang araw, ni anino ng matanda, wala silang nakita.

Kaya nagpasya na si Anika. Nagtanong-tanong na siya.

“May nakikita po ba kayong, matandang babae? Slim. Matangkad. Morena.” Describe ni Anika sa mga nakakasalubong niya. Sa mga street vendors. Sa mga drivers sa tabing terminal. Sa mga takatak boys. Kung kani-kanino pa.

Ngunit iisa lang ang sagot ng lahat.

Wala ka bang picture? Maraming matanda ditong dumadaan e!

Lahat ng matanda tinuro na sa kanya. Pero negatib pa din.

Hanggang nakaramdam na ng pagod si Anika. Pero nag-stay pa din sa lugar. Pursigido.

Habang si Lexi, nakaramdam na ng gutom. Bumili ng makakain. 

“O kumain ka muna, friend!” sabay abot ni Lexi ng pagkain.

“Salamat!”

“Friend, sorry ha, sa bahay nyo dinala si Joe.” Apologetic si Lexi. “Hindi siya puwede a amin…”

“Okay lang…”

“Okay lang ba talaga?” sabi ni Lexi. Worried for Joe. “Baka kasi magtaka si Steffi kung bakit andon si Joe? Mamaya may mangyaring kakaiba kay Joe… malaman pa ni Steffi ang tungkol kay Joe!”

MY APP #BOYFIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon