Hey, Joe!

82.2K 1.1K 281
                                          

Nakapasok na sila sa bahay. Except kay Joe. Naiwan sa labas. Ayaw pa papasukin ni Anika.

Awang-awa si Lexi, “Poor Joe.”

Si Joe, walang tigil sa pagkindat at ngiti kay Anika. Nakasilip sa bintana.

Si Anika, diring-diri, “Yakkkk!” sabay pakiusap kay Lexi “Friend, sige na… di ba pwedeng sayo muna sya?”

 “Boylet mo yan! Panindigan mo!” sagot ni Lexi.

Sisimangot si Anika.  Gusto na umurong sa deal. Reasons nya…

First, ang weird ni Joe. Second,  sobrang weird ni Joe. Third, napaka-weird talaga ni Joe. Besides, boyfriend ang winish nya. Yung totoong boyfriend. Hindi virtual. Hindi pantasya. At higit sa lahat.. hindi weirdo!

“Ewan ko sayo! Ikaw tong weird” sabat ni Lexi. “So anong balak mo sa kanya?”

Walang maisagot si Anika. Ang gulo ng utak nya.

Ang pros…magagamit nya ito para pagselosin si Melvin. Para mahalin siya ni Melvin.

Ang cons…lagi nya ito makakasama. Titira ito sa bahay nila! Bahay-bahayan sila?

Hindi pwedeng nasa bahay nila si Joe. Saan ito matutulog? Mamaya, baka pumasok to sa kwarto nya habang tulog siya…Baka magka-sequel ang harassment nito sa kanya! Lurkee!

Kung anu-ano na naimagine nya. Tumataas balahibo nya!

Erase! Erase! Erase! Mabaliw-baliw na si Anika.

“Kalma, friend” advice ni Lexi.

***

Hindi kalmadong lumabas ng kwarto si Steffi.  Nagmartsa kay Anika. Nakapamewang. Pinagsabihan ang ate.

“Ate, bakit ang gulo ng room? Di ka ba naglinis?” angal ni Steffi. “Muntikan ko pang matapakan tong basura mo!” sabay abot ng tablet kay Anika. “Mamaya ang daming germs nyan”

Then walkout si Steffi palabas.

“May attitude?” puna ni Lexi .

“Ano ka ba, pagod lang yan” sabi ni Anika. Sanay na asal ni Steffi.

Pero si Lexi, sinundan ng tingin si Steffi. 

Kung kapatid nya si Steffi, nahambalos nya na to. Buti na lang hindi.

“Pagod ba yan? tignan mo oh” Referring kay Steffi na nagpapapansin kay Joe habang may kausap sa phone.  Todo pa-cute.

“Yung totoo friend, san pinaglihi yang kapatid mo…kung umasta…wagas!”

Si Anika, walang reaksyon. Wala ang atensyon kay Lexi. Wala din kay Steffi. Malalim ang iniisip.

Anong gagawin ko kay Joe? Hindi sya pwede matulog dito sa bahay. Wala bang manual tong app?

Kinuha ni Anika ang tablet. She clicked the app icon. Binasa ang mga nakasulat. Tinignan ang settings.

 Habang si Lexi, nagmasid lang kay Steffi. 

Para-paraan ang loka. Kunyari may kausap pa din sa phone. Kung makasulyap naman kay Joe… ang harot! Push mo yan!

Si Joe nakatingin lang kay Steffi. Expressionless. Hagikgik si Lexi.

She turned to Anika na sobrang busy. “Ano ba ginagawa mo, friend?”

“Binabasa ko yung manual kanina pa. ”

“Kaya ka pala naagawan, hinahayaan mo lang ” puna ni Lexi. “Tignan mo kaya Dyowa mo, may ahas sa tabi!”

“Huh?” natakot si Anika. Napatingin kay Joe. “Nasan ang ahas?”

Negative. Wala siyang nakita. Si Steffi ang nasa tabi ni Joe. Walang ahas. Niloko siya ni Lexi!

“Shet! Ang slowww…” sabay irap ni Lexi.

“Nasan nga?”

“Nevermind!”

Biglang inagaw ni Lexi ang tablet kay Anika. “Peram nga ako”. May bright idea siya!

Tinapat ni Lexi ang tab kay Joe. Tinest ang app. Feeling kabisado. Nagmarunong. Pinindot ang mga emoticons.

HAPPY

Nakasilip sila sa bintana, at nakikita nila… biglangnag-smile si Joe. Kinilig si Steffi. Umasang type siya.

O effective! Sample lang yan. Next!

SAD

Biglang na-sad si Joe. Taka si Steffi, “O bakit ka biglang nalungkot, may problema ba?”

Hindi siya sinagot ni Joe.

Ang galing! Lalong na-excite si Lexi. Next!

LAUGH OUT LOUD

Humagalpak sa tawa si Joe. Gulat si Steffi. “Are you okay?”

Ginanahan na ng todo si Lexi.

Panalo to! Next!

CRY

Umiyak ng malakas si Joe. Parang baby. Nag-alala si Steffi, “Hala!”

 Ang daming powers naman nito!

Sunod-sunod ang dutdot ni Lexi. Pati movements, pinagpipindot nya.

MORE CLAP. HIGH  JUMP. STOP DANCE. THEN FREEZE.

Nakatigil si Joe.

“Niloloko mo yata ako e!” inis ni Steff sa pinagagawa ni Joe.  Walang kaalam-alam na sa loob ng bahay, pakana ito lahat ni Lexi.

Si Lexi, tuwang-tuwa sa trip nya. Kaso…

“Tama na, friend. Alam ko na.” awat ni Anika.

“Teka, nag-eenjoy pa ko!”

“Baka masira…”

“KJ mo…sandali lang, friend”

Pinag-agawan nila ang tablet. Napindot ang ibang options.

RUN. SIT. ROLL. SING. Iba-iba. Sabay-sabay.

Ginagawa lahat ni Joe. Parang sinasapian. Parang naka-drugs. Parang tanga. 

Napraning si Steffi kay Joe. Finally na-turn off “Adik ka ba!?Bahala ka nga dyan!”

Pabalik na sana si Steffi sa loob ng bahay.

Biglang napindot ni Anika ang power button. Ang POWER OFF!

“BOOGSH!” Bagsak si Joe sa lupa!

“Ateee!” sigaw ni Steffi. “Tulonggg! Nahimatay si Joeee!”

Patay! Anong napindot mo, friend?

Pinuntahan agad ng dalawa si Steffi. Sobrang panic. “Ate, tumawag kayo ng ambulance!”

Nakalupasay sa lupa si Joe. Walang malay. 

Nagkatinginan lang sina Anika at Lexi.

Patay. .

 

 

MY APP #BOYFIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon