Bizarre Love Triangle

58.8K 1.1K 413
                                    

Sinimulan na nina Anika at Lexi ang maglaba. Dahil sira ang washing machine.  Mano-mano sila.

Si Lexi may realization habang todo kuskos ng mga labada na puro kay Steffi. “Now I know, kung saan pinaglihi ang kapatid mo, friend!”

“Saan naman?”

“Sa libag!...Tignan mo tong mga libag nya oh, halos makabuo ng bagong universe.”

“Sira ka talaga!” saway ni Anika.

Si Lexi, pagsasabihan pa si Anika, “Naku ha, dapat yang kapatid mo. Tinuturuan mo sa gawaing bahay… Ano sya? Anak mayaman? Pano na pag nagkapamilya sya? Sino palalabahin nya? Mga anak niya?”

“Eh di mag-hire ng katulong!”

Nagulat si Anika at Lexi. May ibang boses na sumagot. Boses lalaki. Hindi naman si Joe… Paglingon niya – si Melvin.

Gulat si Anika. Hindi alam kung matutuwa sa pagsulpot ni Melvin. Sa dami naman kasi ng araw na pwede bumisita ito, saktong labandera pa ang peg niya.

“Bakit kayo naglalaba? Wala ba kayong labandera? Wala kayong katulong?”

 Si Lexi, inis agad kay Melvin.  Hinangin siya figuratively sa pagsabat nito.

“Lumakas ang hangin, friend! Kapit baka liparin tayo!” sabi ni Lexi kay Anika.

 “Ha? Teka yung mga sinampay natin!” sabi ni Anika.

Si Lexi, mas nainis pa sa pagka-slow ni Anika.

Lexi turns back to Melvin, “Alam mo Melvin, bagay talaga kayo ni Steffi!”

“Bakit naman?” tanong ni Melvin.

“Parehas kasi kayong tamad. No doubt. Kaya kayo magkasundo!” Sarcastic si Lexi.

“Tamad agad? Di ba pwedeng mayaman muna?” patol ni Melvin.

“Tse!” sabay irap si Lexi. Barado siya.

Melvin turns to Anika. Hinanap si Steffi.  “Andyan na ba siya?”

Si Lexi ang sumagot. Binara si Melvin, “Sinong siya? Walang SIYA na nakitira dito.” Dugtong ni Lexi... “Aba! Miss mo na si SHA-nnon?”

Si Shannon, ang ex ni Melvin. Schoolmate nila. Nag-break sina Melvin at Shanon last month.  Dahil may pagka-possesive si Shannon. At literal na napo-possess kapag nakikita si Melvin na nakikipag-usap sa ibang girls. Nagiging warfreak, butangera, at amazona.

Buti na lang may internship abroad, kaya temporarily tahimik ang buhay ng mga babae ni Melvin.  At wala pang threat sa pagmamaganda ni Steffi kay Melvin.

At present, sa lahat ng babae ni Melvin, first priority nya si Steffi. Regardless sa pagiging PG nito. Importante sa kanya ay maganda at malakas ang appeal. Tipong trophy girlfriend.

Mataas kasi ambition ni Melvin sa buhay. Ito ay kainggitan sya ng lahat ng lalaki sa campus. Taas di ba?

Kaya naman today, sinadya ni Melvin puntahan si Steffi. Nang mabalitaan niyang nakauwi na ito galing sa shoot. Gusto nyang siguraduhing siya ang magiging ka-date nito sa Valentines Party.

Back to Lexi’s pandadaot kay Melvin. Dinedma lang siya nito.

“Naibigay mo na ba ang pinabibigay ko?” tanong ni Melvin kay Anika.

Si Anika, lutang na naman. Naalala nya ang magandang panaginip kagabi.

Tinanong siya ni Melvin na… “Hey Anika, Will you be my date?”  Syempre sumagot agad siya ng matamis na “YES”.

MY APP #BOYFIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon