What if?

277K 3.7K 619
                                                  

Kung lahat kaya nang gawin ng mga apps sa phone at tablet, paano kung may app din na puwedeng mag-program kung paano magkaroon ng perfect boyfriend. Ikaw na yung mamimili ng mga qualities na gusto mo – gwapo, matangkad, sweet, gentleman, may sense of humor, musically-inclined,  athletic. Tapos ikaw ang magdedecide ng itsura niya. Mukha ni James Reid. Mata ni Daniel Padilla. Lips ni Enrique Gil. Ngiti ni Coco Martin. Ang saya.

Puwede mong icustomize sa gusto mo. At ipo-program mo lang kung anong klaseng boyfriend siya. Automatic kang pasasayahin kapag malungkot ka. Kakantahan ka o sasayawan. O bibigyan ng flowers at chocolates. Hindi mo na kailangan sabihin kung anong gusto mo kasi – alam na niya.

Sabi nga sa kanta ng Pussycat Dolls, Be careful what you wish for ‘coz you just might get it…  At si Anika, ang simpleng wish na magkaroon ng app para sa perfect boyfriend – nagkatotoo. Pero ang hindi niya na-anticipate – nagulo ng kanyang App Boyfriend ang buhay niya at ng mga tao sa paligid niya. 

MY APP #BOYFIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon