Almost

54.8K 1.1K 313
                                    

Walang pakialam si Melvin sa sweet moment nina Anika at Joe. Ang paki niya…

“O nasan na si Steffi?” tanong ni Melvin kay Anika.

“Tulog pa yata sya e” sagot agad ni Anika.

“Yata?” Melvin turns to Lexi na nasa hagdanan. “Akala ko ba, ginising mo?”

 “Anukaba! Maraming namamatay sa maling akala!” biglang tago ni Lexi ng tablet.

Hindi ito napansin ni Anika. Ang napansin niya, ang disappointment ni Melvin.

“Sige ako na lang gigising.” Sabi ni Anika.

Akmang aalis si Anika. Pero pipigilan siya ni Joe, “Anika, just stay here.”

“Bitawan mo ko, Joe.” piglas ni Anika.

“No way!” sabi ni Joe.

Si Melvin, napangisi. Feeling niya nagseselos si Joe sa kanya.

Si Lexi, napangisi din. Feeling niya dapat niya nang isagad ang pangsusupalpal nya kay Melvin. Sa pagiging feelingero nito! Kaya, pinindot nya ang tablet.

Ang pamatay na Power kiss!

Biglang hinawakan ni Joe ang chin ni Anika. Hinarap ang mukha sa kanya.

Si Anika, biglang kinabahan.

Ano na naman ba binabalak nito?

Inangat ni Joe ang mukha ni Anika. Dahan-dahan. Tinitigan si Anika.

Naku! Hahalikan ba nya ako?

Kitang seryoso si Joe. Si Anika gustong pumiglas. Pero nang mapatingin sa mga mata ni Joe, biglang naglaho ang kaartehan niya. 

Madali siyang ma-drawn sa mga mata ni Joe.

Sa tuwing nagtatama ang mga mata nila. Parang wala siyang takas. Parang inaangkin siya nito nang buong-buo.

Si Melvin, hindi alam ang magiging reaksyon. Mauumay? Mandidiri? Masusuka?

Hindi magawang pumikit ni Anika. Lumalapit na ang buong mukha ni Joe. Ang mga matang mapungay ni Joe. Ang matangos na ilong na nakakatusok. Ang mala-mansanas na pula na labi ni Joe.

Halos wala nang paki si Anika sa presence ni Melvin.

Si Lexi, todo hagikgik. Kinikilig. Halos napapalundag pa.

Ayan na…Ayan na...Ayan naaa!

Nang biglang…BOOGSH!

Inuntog ni Joe ang sarili kay Anika. Malakas.

ARAYYYYYY

Ang aray na yon ay galing kay Lexi. Napalingon si Anika kay Lexi. Habang hilot-hilot nya ang noo.

At nakita ni Anika -- subsob si Lexi sa lupa. Nalaglag sa may hagdan sa kakalundag.

Sa pagbagsak ni Lexi. Bagsak din ang tablet!

 ***

 Sa sala, tawang-tawa si Melvin habang  pinagmamasdan sina Anika at Lexi,

“Anong nangyari sa inyo? Para kayong kambal bukol.”

Nagkabukol sina Lexi at Anika. Mas malaki ang kay Lexi. Nilapatan nila ng yelo.

“Tumigil ka na nga dyan!” asar si Lexi. Sabay hilot ng bukol.

Si Anika, wala ang concern sa bukol. Nasa tablet.

“Sabi ko na, pinakailaman mo na naman ito!” Pinagalitan ni Anika si Lexi.  

MY APP #BOYFIEWhere stories live. Discover now