My App Dyowa

88.3K 1.5K 490
                                                  

Nasa harap na ng bahay ni Lexi si Anika. Ilang kanto mula sa kanila. Hingal na hingal siya. Akala mo’y hinabol ng aso, zombie, o ng kung ano mang maligno.

“Lexi! Friend! Lumabas ka dyan! Tulungan mo ko!” sigaw ni Anika. Todo kalampag ang gate. Halos maiskandalo si Lexi. Akala ng mga kapitbahay may away.

Nagmadaling lumabas ng bahay si Lexi. Mukhang nabitin sa pagligo. Wet look. May hawak pang tabo. Takang-taka sa asal ng kaibigan, “Ano bang nangyayari?”

“Basta! Basta!” hindi alam ni Anika kung pano magsisimula. Pati si Lexi mapaparanoid na rin.

“Wrong timing ka naman friend!” pagbubuksan ni Lexi ng gate si Anika.

“Nakita ko siya, friend. Yung lalaking napanaginipan ko? Si Dreamboy… Nakita ko siya!”

“Ano?” confused si Lexi.

Pinuntahan siya ni Anika. Inistorbo siya nito. Nabitin siya sa pagligo para lang pag-usapan si dreamboy?

“Nakita ko nga si Dreamboy! Totoo siya!” giit ni Anika. “Kasi kanina, gumawa ako ng virtual dreamboy. Tapos nagbrownout. Tapos noong nagkailaw--- nasa kuwarto ko na siya!”

Ang naramdaman ni Lexi, mula sa buwiset, napalitan ng awa para kay Anika.

Na-aning na si Anika? Nagha-hallucinate? Baliw na si Anika? Desperada na si Anika na magka-dyowa?

“Friend, baka nalipasan ka ng gutom. Gusto mo kumain muna?” hirap maniwala si Lexi.

Napikon si Anika. Akala nya bestfriend nya si Lexi. Bakit hindi siya magawang paniwalaan nito?

Padabog ang walkout ni Anika. Pero pagbukas nya ng pinto…

“Hey Beautiful” bati ni Dreamboy na sumunod sa kanya. Laking gulat ng dalawa.

Sabay na mapasigaw. “Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah.”

***

 “Totoo nga...” panay ang inspection ni Lexi sa lalaki sa harap nila. Dinudutdot ang braso. “Siya ang napanaginipan mo?”

“Oo.”

“Tapos ginawan mo ng Virtual Person sa tablet?”

“Oo.”

“Tapos nabuhay?”

“Oo nga!!!”

“In fairness… Kahit mahirap paniwalaan ang sinabi mo… naniniwala na ako. Kung ganito naman ka gwapo… Keri na…” Kukurutin ni Lexi ang pisngi. “Ang gwapo talaga! Napaka-gwapo”

“Hey beautiful!” bati ng lalaki.

Kinilig si Lexi. “Hindi lang siya gwapo, honest pa siya!”

Unlike Lexi, may halong takot pa din si Anika. Hindi nya magawang lumapit. Hinila nya ang kaibigan.

Pabulong silang nag-usap. Habang naiwang nasa labas ng pintuan si Dreamboy. Nakangiti lang sa kanila.

“Ngayon naniniwala ka na? Sabi ko sayo e!” sumbat ni Anika. “Pero paanong nabuhay iyan?”

MY APP #BOYFIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon