The Morning After

66.3K 1.2K 378
                                          

9:33 AM. Mataas na ang araw.

Tulog pa din si Anika. Mahimbing. Abot tenga ang ngiti. Yakap pa din ang braso ni Joe.  Parang unan na yakap-yakap. Ayaw pakawalan. Sinusulit ang magandang panaginip nya.

Ang ganda ko talaga…ZzzZz

Para silang bagong kasal. Si Joe ang husband. Si Anika ang wife. Kung pwede nga lang silang hindi na magising.

“Tok!…tok!…tok!” may kumakatok sa pintuan. Kanina pa. Hindi lang naririnig ni Anika.

Si Steffi. Nakauwi na ang bruha galing sa shoot.

Nabuksan niya ang main gate. Ang main door. Except sa pintuan ng kwarto.  

Kelan pa nag-lock si Ate?

Si Joe ang naglock kagabi. Naisip na baka mag-sleep walk din si Anika gaya ni Steffi. Mahirap na. Kaya nanigurado.

Si Steffi, halatang agitated na. Ang tagal siyang pagbuksan. Padabog nang kakatok. May kasamang sigaw “Ate Anikaaa!...Hellooo! Gumising ka na! Petsa naaa!”

Si Anika, naalimpungatan na sa boses ni Steffi.  Sasagot sya pero nakapikit pa din “Sandali, five minutes pa… ZzZz”

Hindi siya dinig ni Steffi sa labas.

Puyat si Steffi. 24 hours na siyang gising. Dapat sa Friday pa ang tapos ng shoot. Kaso nangyari ang mga aberya. Ni-rush ang taping days. Sa byahe, hindi siya nakatulog ng maayos.

“Gosh Ate! Buksan mo na to! Antok na ko!” inis ni Steffi. “Wawasakin ko na talaga to!”

Tuloy lang sa pagkatok si Steffi. Tipong nangbubulahaw.

Si Anika, pilit na didilat. Hindi niya halos napansin na katabi niya si Joe. Casually kakalas sa mga braso ni Joe. Pilit na babangon. Casually mapapa-stretch pa. Todo hikab.  Maglalakad papuntang pintuan.  Parang zombie.

Sa paghawak niya ng door knob. Bago niya pa mapihit. Maririnig niya…

“Hey Beautiful! Good morning!” bati ni Joe. Gising na din ito.

Dahil lutang si Anika. Hindi agad nag-sink in na si Joe ito. Nilingon pa nya. Bumati din siya.

“Good morning too!” sagot ni Anika. Sabay ngiti. Tapos haharap uli sa pinto.

Hindi agad muling nabuksan ni Anika ang pinto. Unti-unting nawala ang ngiti ni Anika. Unti-unti niyang narealize.

Sandali sino yon?

Bigla siyang lilingon uli. Paglingon niya. Surprise! Nasa harap niya na si Joe! Sobrang pa-sweet.

“Hey my beautiful Anika!” sabay kindat ni Joe.

Biglang nawala ang antok ni Anika.

Ikaw? Paanong?

Para siyang nakakita ng multo sa umaga. Parang binuhusan ng malamig na tubig with ice cubes. Parang nag ice bucket challenge gamit ang dram! Para siyang sinampal ng katotohanan. Ang realization nya…

Nakatulog ako? Nakatulog ako katabi siya? Tabi kami? Kaming dalawa lang sa kwarto? Seryoso?

Hindi makapaniwala si Anika. Sandaling nakalimutan ang mga katok ni Steffi.

Bigla siyang nag-emote. Parang isang eksena sa Drama Special Anthology…presents Anika Andres.

Dahan-dahan siyang mapapayakap sa sarili. With so much pain. With so much regrets.

Anong ginawa niya sakin? Ang pinagkaingat-ingatan ko...

Walling scene si Anika. Mangiyak-ngiyak.

MY APP #BOYFIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon