Wishful Thinking

60.5K 941 116
                                          

Pinagtulungang buhatin nina Anika at Lexi ang pink maleta. Dinala sa sala.

Pagkalapag, nangalay si Lexi sa sobrang bigat. Clueless siya na nasa loob ng maleta si Joe.

 “Friend, yung totoo! Nagsusuot ba ng armor ang kapatid mo?” tanong ni Lexi. “Ang bigat nito! Puro yata bakal ang laman!”

Si Anika, hindi naririnig ang mga kuda ni Lexi. Tulala lang. Nakatingin sa maleta. May ibang bigat na pinoproblema.

Bakit wala akong maalala? Anong nangyari kagabi? May ginawa ba talaga sakin si Joe for real? Wala ba talaga akong matandaan? Ano, ganoon-ganoon lang yun? Juice colored!

Dahil walang maisagot sa sariling mga tanong, papaniwalaan na lang ni Anika ang kanyang side of the story. Ang story na siya ay isang biktima ng pang-aabuso!

Muling nag-emote si Anika. Todo internalize. By this time, para siyang nasa isang eksena sa “Ipaglaban mo”.  Lights! Camera! Action!

Namumuo ang luha sa mata ni Anika. Habang titig sa maleta.

Kung may nangyari nga satin, walanag kapatawaran ang ginawa mo sakin! Nilapastangan mo ako!

Parang dialogue sa mga soap opera ang nag-uunahan sa utak ni Anika.

Sinamantala mo ang kahinaan ko. Niyurakan mo ang pagkatao ko! Walang hiya ka! Kung alam ko lang na gagawin mo sakin to… hindi na sana kita ginawa! Sana dinelete na kita noon pa sa buhay ko! Walang hiya ka Joe! Magkita na lang tayo sa korte! Magtutuos tayo!

Si Lexi, hindi napapanood ang dramatic scene ni Anika. Busy. May hinahanap. Napansin nito wala si Joe!

“Asan ba kasi si Joe?” tanong ni Lexi. “Dapat siya na lang pinabuhat natin.”

Si Anika, biglang harap kay Lexi. Ni-level up ang acting skills. Mala Vilma Santos!

“Si Joe! Si Joe! Si Joe! Lagi na lang si Joe!” sabi ni Anika. “Ako na walang kalaban-laban? Hindi mo man lang ba ako kukumustahin, friend?”

Si Lexi, nabigla kay Anika. “Nyare sayo, friend?”

Napayakap si Anika kay Lexi, pilit ang iyak “Lexi…huhuhu…Lexiii”

Si Lexi, hindi alam ang magiging reaksyon, “Anuba! Wag mo ko iyakan. Hindi pa ko patay!”

“Tama!!!! Papatayin na lang kita!”

“Ha?” gulat si Lexi.

“Walang hiya kaaaa! Papatayin na kitaaaa!”

Hindi si Lexi. Si Joe ang papatayin ni Anika. Bumitaw sya kay Lexi. Kinuha ang tablet sa sofa. No hesitations. Pinindot ang power off.

 ***

 Si Lexi, confused. Sunod-sunod ang mga tanong. Halos patayin niya sa yugyog si Anika.

Ano bang nangyari kasi!? Bakit mo dinelete si Joe!? Ba’t mo ginawa yon, friend!?

Feeling tuloy ni Anika siya pa ang may mali. Siya pa ang may kasalanan. Siya pa ang suspek sa mga mata ni Lexi. Kahit siya ang biktima, wala siyang kakampi sa mundo!

“Hindi mo ba ako nage-gets?!” halos pasigaw na si Anika.

“Ano ba kasi ang nangyari?” pilit iniintindi ni Lexi si Anika.

“Baki hindi mo ako magets agad? Akala ko ba kaibigan kita!!!”

“I-share mo kasi sakin, ano nga nangyari?”

“Hindi mo ako mage-gets kahit i-share ko pa! Wala kang alaaaaaaaaaaaaaam!” talsik-talsik laway ni Anika kay Lexi.

Si Lexi, todo punas sa mukha niya. Nabanas na kay Anika. “Hindi talaga kita mage-gets, dahil sinisigawan mo ko!!!  Pinaliliguan mo pa ko ng laway mo! Kumalma ka ngaaa!”

MY APP #BOYFIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon