Broken

34.3K 879 162
                                          

Hindi agad natapos ang gabi. Ang natapos agad ay ang tugtog.

Muling bumalik si Melvin. Bagong bihis na. Muling inagaw si Anika kay Joe.

“O sakin na uli sya!” angas ni Melvin.

Si Joe, parang gustong patulan si Melvin. Gustong ipaglaban si Anika. Pero....

“Okay lang, Joe” sabi ni Anika. Sabay pakiusap, “Hanapin mo na lang muna sila Steffi, para makauwi na tayo…”

Sumunod na lang si Joe. Muling naiwan si Anika sa kamay ni Melvin. Muli silang nagsayaw.

Sa isang sulok, nakatingin sa kanilang dalawa si Shannon. Na kanina pang nagdidilim ang paningin. Na kanina pa palang nagmamasid! Feeling offended.

 “Nakakainsulto! Imagine, sa nerd na yan ako pinagpalit?” buga ng inis ni Shanon kay Reese.

“Duh? Lasing kasi ex mo!” sabi ni Reese.  “Alam mo naman ang boys, pag lasing…pantay-pantay ang ganda nating lahat!”

“Kahit na! Hindi pa din ako papayag!”

“Naku! Ako din! Hindi ako papayag dito sa text nang text sakin!” inis si Reese sa unknown textmate nya. Kanina pa siya kinukulit. Gusto makipag-eyeball sa kanya sa mismong party.

H3y Bhie, wH@na M33t uP 2nyt?  LasH!nG  nAh QhU!

“Ewww jejemon!” arte ni Shanon nang mabasa ang text. “Pano nya nakuha number mo?”

“I don’t know nga e! Kadiri talaga! Wait nga ma-iblock na nga!”

Pero biglang pigil ni Shannon kay Reese, “Wait girl! May silbi sakin yang textmate mo!”

***

Si Anika, wala nang silbi para sa kanya ang pagsayaw tonight with Melvin.

“Pwede bang stop na tayo, Melvin?” sabi ni Anika.

Pero si Melvin. No response. Parang walang naririnig. Tuloy pa din sa pagsasayaw.

Nang biglang…

“Bhie, lika na!” sabay hawak ng isang 6’ footer. Payat na lalaki sa braso ni Anika. Feeling close sa kanya.

Gulat si Anika,“Bitawan mo ko! Sino ka ba?”

“Ako yung ka-text mo, Bhie!” 

Naamoy ni Anika ang lalaki. Pinaghalong amoy alak at amoy putok. “Di kita kilala!”

“Asus! Pakipot ka pa, Bhie! Tinext mo nga ako na ikaw si Red Riding Hood.Di ba ikaw yun?  Wag ka na mahiya sakin…Lika na!” mapilit ang lalaki.

Sobrang nawirduhan si Anika. “Anong sinasabi mo, wala akong katext! Bitawan mo ko!”

Pagtitinginan lang ng mga tao si Anika. Walang may gustong magsaway sa aggressive na lalaki.

Si Anika, hihingi na ng tulong kay Melvin, “Melvin tulungan mo ko!” Pero si Melvin, nagdalawang isip tulungan si Anika. Mukhang naduwag.

Ang tangkad e!

Pero nang may marinig si Melvin…

“Grabe, hindi man lang siya magawang ipagtanggol ni Melvin!”

“ Nabading yata?”

Agad nagtapang-tapangan si Melvin, “Hoy! Bitawan mo nga si Anika!” 

Pero ang binitawan ng lalaki…isang malakas na suntok! Sa mukha ni Melvin.

Boogsh!

Bagsak agad si Melvin! Mahilo-hilo. Babangon sana... Lalaban pa sana…. Kaso, nakita niya.

MY APP #BOYFIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon