Sana May APP Para Sa Broken Heart

91.7K 1.5K 428
                                    

Nakahiga si Anika sa kuwarto nila ni Steffi. Pagod na pagod. Kanina pa siya umiiyak.

Naalala ni Anika ang nangyari kanina.

Sumama sa kanya si Melvin para kunin ang assignment. Pero bago pa niya maamin kay Melvin na wala naman talagang assignment, nakita ni Melvin si Steffi.

“Kapatid mo si Steffi?” Naalala niyang sabi ni Melvin sa kanya.

“Bakit kayo magkakilala?” Tanong ni Anika.

At hindi na nagregister sa isip niya ang sagot ni Steffi at Melvin.

Ang naalala lang ni Anika, panay hampas ni Steffi sa braso ni Melvin. Panay tuck ni Steffi ng buhok niya sa likod ng tenga niya. Panay ngiti at tawa ni Steffi, kahit hindi naman nakakatawa ang sinabi ni Melvin.

Hindi tanga si Anika. Babae din siya. Alam niya.  Naramdaman niya – crush din ni Steffi si Melvin.

At ano ba naman ang laban niya kay Steffi? Obvious naman na attracted din si Melvin dito.Bakit ba kasi pumayag siyang umuwi kasama si Melvin?

Wrong timing lang talaga.

Bago pa sila dumating ni Melvin sa bahay, nakaalis na si Steffi. May bibilhin daw sa mall.

Pero kung hindi ba naman nag-aasar ang tadhana, bumalik ng bahay si Steffi dahil may naiwan. At noong bumalik si Steffi – doon sila nagkita ni Melvin.

“Mall? Anong gagawin mo sa mall” tanong ni Melvin earlier.

“May bibilhin lang.” pa kyut na sagot ni Steffi.

“Samahan na kita,” volunteer ni Melvin.

And just like that. Sinamahan ni Melvin si Steffi sa mall. Nakalimutan ni Melvin ang assignment. Nakalimutan ni Melvin si Anika.

At ngayon, gabi na. Wala pa si Steffi. Naisip ni Anika… Magkasama pa kaya sila ni Melvin hanggan ngayon?

 Naiyak na naman si Anika. Kanina pa siya iyak ng iyak. Akala niya, ubos na ang luha niya. Meron pa pala!

 Para hindi na niya maisip si Steffi at si Melvin, kinuha ni Anika ang tablet.

 Sana may app para sa brokenheart, naisip ni Anika.

 ***

 Walang ibang app sa tablet ni Anika kaya pinagtiyagan niya ang Virtual Person Maker.

 Gumawa siya ng Virtual Melvin.

Pero dahil sa buwiset niya, pinaglaruan ni Anika ang itsura ni Melvin. Ginawa niyang pango. Ginawa niyang duling. Ginawa niyang sakang. Ginawa niyang pandak. Ginawa niyang 300 pounds.  Nilagyan niya ng maraming pimples. Ginawa niyang bungal.

MY APP #BOYFIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon