Si Anika at Si Dracula

78.5K 1K 116
                                          

Binuhat ni Joe si Steffi pabalik sa kwarto. Nakasunod lang si Anika. Nakatitig sa likod ni Joe. Parang hypnotized.

Ang gwapo  pati ng likod nya. Ang sarap yakapin.

Parang may gravity si Joe sa likod. Automatic napapalapit si Anika. Dahan-dahan…

Agaw eksena uli ang asungot.

 “Anuba…wag dyan, may kiliti ako dyan…ZzzZz” nananaginip pa din si Steffi.  Maharot kahit tulog.

Napaisip si Anika about Joe.

Kahit weirdo. Gentleman naman pala.

Okay na sana lahat. Nang muling nagbago ang ihip ng hangin. Umastang weird na naman si Joe.

Habang buhat niya si Steffi, dahan-dahang tinaas nito si Steffi. Nagtaka si Anika. Kinabahan.

Anong nangyayari sa kanya? Anong ginagawa  nya sa kapatid ko?

Biglang humarap sa kanya ni Joe. Natakot si Anika. Pula na ang mga mata ni Joe! Tinubuan ng mga pangil! Sabay tawa ng malakas, “BWAHA!-HA!-HA!-HA!”

Dracula? 

Nangingig sa takot si Anika, “Sabi ko na, may sa demonyo ka!”  sabay sign of the cross.

Nag-alala si Anika para sa kapatid, “Ibaba mo ang kapatid ko! Ibaba mo siya!” sigaw nya.

Umiling lang si Joe. Binuka ang bibig. Ang talim ng mga pangil. “GGRRRRR”

“No… please… Huwag si Steffi! Ako na lang!” pakiusap ni Anika. “Gusto pang sumikat ng kapatid ko!”

Parang lalong lumakas ang tawa ni Joe.

 “Maniwala ka sakin! Sisikat pa siya!”

“BWAHA-HA-HA! BWAHA-HA-HA”

Taranta si Anika. Hindi alam ang gagawin. Dehado siya. Wala siyang laban.

Wala siyang hawak na kawali. Naiwan pa nya ang tablet sa sofa! Paano na yan?

Nilakasan na lang ni Anika ang loob. She decided to save Steffi.

Bahala na si Batman. Nagpaka-Darna siya. Nagpaka-Bayani

Sinugod ni Anika si Joe.

***

“Bitawan mo siya!” Sigaw ni Anika.

Nagulat ang mga tao sa paligid niya… To reveal, nasa loob ng isang classroom si Anika. Sa gitna ng klase. Nagsasalita habang tulog. Lahi na yata nila ang may sleep disorder. Kung hindi somnambulism or sleepwalking. Sleeptalking.

Sa likuran ng classroom nakapuwesto si Anika. Hindi na sana mahahalata na natutulog siya sa klase—kung hindi lang siya nagsalita.

Napatigil ang teacher sa paglelecture… Si Miss Doris R. Acuna. Or D.R.Acuna for short. Pero ang codename nilang magkakaklase, Binibining Dracula. Sobrang puti kasi ng mukha ni Acuna, parang hindi naaarawan. Pero ang totoo -- nasobrahan lang sa Gluta!

Dahil sa pagsigaw ni Anika, nalaman ni Bb Dracula, at ng buong klase, na natutulog siya. Bad trip si Mam! It’s bad enough na tinutulugan ng student ang Chemistry class niya, nag-iingay pa!

Lalapitan ni Bb Dracula si Anika, naka-kunot na ang noo.

“Anika Andres!” Paninita ni Mam.

“Demonyo ka!” Sagot ni Anika.

Pero tulog pa rin ito. Lalong nagalit ang teacher. Ang mga kaklase ni Anika, nagpigil tumawa. Ang iba, humahagikhik na. Galit na si Mam! Namumula ang dating maputlang mukha. Nanlilisik na ang mata.

MY APP #BOYFIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon