Hey Beautiful!

88.3K 1.3K 200
                                    

Nataranta si Anika. Tumakbo papuntang kusina. Hindi siya makapaniwala.

 

Sino iyun? Kamukha niya yung napanaginipan ko. Kamukha niya yung ginawa ko sa app. Siya ba yun? Si poging dreamboy? Or dream ko lang to?

“Dream mo lang to, Anika. Gumising ka.” Sabay sampal sa sarili.

Araaaaaaaay!

Nasaktan siya. Totoo nga ang lahat. Hindi siya nananaginip.

Sunod-sunod mga tanong sa utak nya.

 

Paano nangyari yun? Totoo ba ito? Anong gagawin ko? Baka  naman kahawig lang nya? Baka magnanakaw? O baka rapist? Baka serial killer?

Natakot siya para sa buhay nya. Mag-isa pa naman siya sa bahay ngayon. Lahat ng worst case scenario, naisip na niya.

Rereypin ako? Papatayin ako? Mamamatay ako na wala man lang first kiss? Goodbye lovelife? Goodbye cruel world na ba ito? Nooooo! Hindi pa nga ako nagkaka-boyfriend…mamamatay na ako  agad-agad?”

 

Hindi siya makakapayag! Kaya wala siyang choice. Lalaban siya… She needs to save her precious life.

Maya-maya pa, nadinig nya na ang mga yabag. Palapit sa kanya ang weirdong lalaki.

She panicked. Agad nyang dinampot ang frying pan malapit sa kanya. Ito ang kanyang gagamiting weapon.

Naghanap si Anika ng matataguan. Binuksan ang cabinet, hindi siya kasya. Sa likod ng kurtina, kita pa din sya. Sa ilalim ng lamesa, obvious naman siya. Ang ending, wala siyang nataguan.

Pagtalikod nya. “Boogsh!” nabunggo siya. 

May nakaharang sa harap niya. Si Dreamboy! Nasa harap nya na!

Sa gulat ni Anika, nahampas nya ng dalang kawali ang ulo ng lalaki.

Pak.

Malakas ang tunog. Napuruhan nya. Pero… 

“Hey Beautiful” sabi ni Dreamboy. Nginitian pa siya.

Nagtaka si Anika. Hindi man lang ito natinag. Hindi ito nasaktan sa palo nya.

Napaatras si Anika, sabay tingin sa hawak na kawali, tapos sa lalaki sa harap niya na hindi man lang nasaktan. “Anyare?”

Lumapit sa kanya ang lalaki. Aatras si Anika. Hanggang sa wala na siya maatrasan. Bumangga na siya sa lababo.

Ang lalaki sa harap niya, napakalapit na. Ilalagay ang dalawang braso sa gilid ni Anika para hindi na ito makakilos at makaalis.

Ngingiti. Nilapit ang mukha sa mukha ni Anika. Pero –

Pak.

Hinampas ulit ni Anika ng kawali. Sa mukha naman.

Tssss, sayang ang gwapong mukha, naisip ni Anika. Pero wala siyang choice. Kailangan niya protektahan ang sarili niya.

Pero hindi natinag ang lalaki. Muling nilapit ang mukha.

“Bitawan mo ako!!!!”

Gamit ang lahat ng lakas niya, tinulak ni Anika ang lalaki. Pinaghahampas ng kawali.

Naknang. Hindi man lang siya nasaktan. Hindi siya tao! Hindi siya normal!!!

Nakalayo si Anika sa lalaki pero nasa harap pa rin niya ito. Tinitigan ito ni Anika mula ulo hanggang paa. Tingin sa mata. Sa ilong. Sa bibig.

Sinigurado ang bawat detalye. Pati ang height. Hair color. Eye color. Skin color. Confirmed na confirmed! Si Dreamboy nga ito! Ang app boy sa tablet nya!

 

Pano siya nagkabuhay? Nakakaloka!

Inalala ni Anika ang nangyari… ang alam niya, kumidlat. Nag brownout. Nagkaroon ng usok. Tapos, biglang umappear ang napaka-gwapong lalaking ito sa kuwarto niya.

“Hey Beautiful,” sabi ng lalaki.

“Heh!"  SInigawan siya ni Anika.  "Kanina ka pa! Wala ka bang alam sabihin kundi Hey Beautiful???”

Hindi sumagot ang lalaki. Tumingin lang kay Anika.  

Si Anika, nakatingin lang din sa lalaki. Nakatingin sa mata nito. Hindi alam ni Anika bakit parang drawn siya sa mata. Bakit hindi niya mapigilan ang sarili na makipagtitigan dito.

Biglang kumabog ang dibdib ni Anika. Nanlamig ang buong katawan. May ibang nararamdaman.

Confused. Scared. Anxious. Tumakbo si Anika palabas ng bahay. Iniwan ang lalaki sa kusina. 

MY APP #BOYFIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon