Fallen

51.6K 1.2K 274
                                          

Kinabukasan sa campus…

Hindi mapigilang mamula ni Anika sa tuwing tuwing naaalala niya ang first kiss. Ang first kiss sa tanang buhay niya. Ang first kiss ni Joe…sa ilong nya!

Mabuti na lang sa ilong. Kesa sa labi ko! Makakapatay na sana ako kahapon e! Nakawan ba ko ng halik?

“Kunwari ka pa friend! If I know, ginusto mo rin naman!” asar ni Lexi. Dagdag pa nya, “Kung ako yung nakiss ni Joe, siguro patay na ako ngayon, friend!”

“Gusto mo ako na pumatay sayo?” biro ni Anika. Biglang pa-demure, “Kasi naman…I’m saving my lips talaga, para sa taong mahal ko!”

Biglang may narinig sila Anika at Lexi.

“Sige Mahal, kita tayo mamaya!” paalam ni Bb. Dracula. Sa isang lalaki na malayo ang edad sa kanya. Mala-May-December affair.  Pero hindi niya student.

 Akalain mo, may lovelife na si Maam?

Nasa labas ng faculty room sina Anika at Lexi.  Kanina pa pala naghihintay kay Bb. Dracula.

Sinalubong ni Anika ang in love na teacher. Kinausap regarding sa thesis niya. Sinabing hindi siya makakapagpasa ng thesis. Aalis na sana siyang malungkot nang…

“Alright, I’ll extend your deadline. You can submit it on Monday!”

Himala! Hindi makapaniwala si Anika. May chance pa siyang makapasa! Maka-graduate on time!

Thank you Lord!

 “Iba talaga ang effect ng love noh? It’s either nakakawalang bait or nakakapampabait.”realization ni Lexi.

“Sinabi mo pa!” agree si Anika. Biglang may naalala, “Si Joe? Naayos mo na ba siya? Natatakot ako sa kanya. Nawalan na siya ng bait!”

Iniwan ni Lexi si Joe sa bahay nila.

“Hayaan mo, I’ll do my best, para maayos ang tablet”

“Salamat, friend! Hulog ka talaga sakin ng langit!”

Halos mahulog naman ang gamit ng mga babae. Nagtatakbuhan. Papunta sa may tambayan area.

Taka sina Anika at Lexi.

Anong meron?

***

Merong pinagkakaguluhan ang mga babae. Isang napaka-gwapong lalaki.

“Para siyang artista noh?”

“Ang gwapo niya. Kamukha niya si Superman!”

Lalong nacurious sina Anika at Lexi.

Sino ba kasi yon?

Nakisiksik ang dalawa. Nang makita ang akalang artista, nagulat sila.

Joe!?

 “Akala ko ba? Nasa bahay nyo sya?” tanong ni Anika kay Lexi.

“Iniwan ko nga sya don! Ni-lock ko pa nga!” sabi ni Lexi. “Paano siya naka-labas?”

Dati kasi nung proposal gimmick. Lahat ng ginawa ni Joe, mula sa paglabas ng bahay ni Anika, papunta sa school – lahat yun dahil sa pagkontrol ni Lexi. Pero ngayon…

Parang may utak na siya! Simula nang bumagsak ang tablet kahapon!

“Nooo! Hindi siya pwedeng nandito!” angal ni Anika.

MY APP #BOYFIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon