Lost and Found

75.4K 1.3K 495
                                                  

Sa may tambayan area. Gusto na lang ni Anika tulugan ang reality.

Kaso hindi siya nakatulog. Dumating si Lexi. As usual, nagdaldalan sila.

“Anooo?” gulat si Lexi. “Iniwan mo lang naka-off si Joe?”

Mas concern si Lexi kay Joe. Kesa sa kwentong sawing pag-ibig ni Anika.

“Bakit ka ba puro Joe? Si Melvin ang issue ko!” inis ni Anika.

Sawang-sawa na si Lexi sa issue ni Anika kay Melvin. Kung si Anika, hindi nagsasawa magpakatanga sa lalaking dedma sa kanya, si Lexi, sawang sawa na makinig sa kunwentong Melvin-Anika.

“Tsaka desido na ko, idi-delete ko na sya!” sabi ni Anika.

 “Ang labo mo talaga, friend!”

“Ha?”

“Sabi mo behave na siya. Kala ko ba controlled mo na si Joe?” tanong ni Lexi.

Naalala tuloy ni Anika ang totoong nangyari kagabi with Joe.

Binuhat ni Joe si Steffi pabalik sa kama. Tumingin ito sa kanya. Ngumiti. Bumalik ng kusa sa sofa. Humiga. Pumikit.

Muling tinitigan ni Anika si Joe. Magdamag. Hanggang mag-umaga.  Hindi siya nakatulog.

Bago magising si Steffi. Ini-off nya muli si Joe.

“Tapos binangungot  ako dahil sa kanya!” patuloy ni Anika. “Naging Dracula si Joe!”

Imbes na matakot, tawa lang si Lexi. “Friend, sabog ka na talaga. Mag-nap ka muna!”

Paano siya makakapag-nap? After daldal, nagpatugtog si Lexi. Puro party songs. Nasa Bar lang?

 Tinakpan ni Anika ang tenga. Pumikit. Hirap mag-nap.  

Naisip nyang tignan ang tablet. Binuksan ang bag. Naghalungkat.

Sabay sigaw ng malakas, “NAWAWALA ANG TABLET, FRIENDDD!”

***

Wala sa classroom. Wala sa canteen. Wala sa tambayan.

“Naiwan ko sa bahay?” tanong ni Anika sa sarili. “Pero alam ko dala ko yun e!”

Naisip ni Anika pumunta sa lost and found office.

“Hay naku, sigurado ako na misplace mo lang sa bahay yon” sabi ni Lexi. Dagdag pa nya, “Sandali, bakit parang takot na takot ka mawala ang tablet? Ayaw mo ba non? Mawawala na si Joe sa buhay mo!”

Hindi ganon ka-simple. Hindi dahil nawala ang tablet. Ay mawawala na rin si Joe. Kailangan ito mismong ma-delete sa app. Para madelete totally.

Puno ng pag-aalala si Anika.

“Baka isipin nila, nagtatago ako ng patay sa bahay” worried si Anika. “Makukulong ako, friend!”

Si Lexi, lalong tatakutin si Anika, “Hindi lang yan, friend! Worst, baka yung nakadampot…pakialaman ang app, tapos…”

“Halaaaaa!” mangiyak-ngiyak si Anika.

Anong gagawin nya kung mangyari ang mga naiisip nila?

Si Lexi, mangiti-ngiti. May trip na naman.

***

Naiiyak na si Anika.

“Ang malas ng araw na ito!”

“Okay lang yan, friend.” Kalma lang si Lexi. “Babawi sayo ang tadhana”

Sa isip ni Anika...

MY APP #BOYFIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon