Goodbye, Beautiful...

23K 749 233
                                    

Pagbaba nila Anika at Joe ng Ferris Wheel. Naglakad-lakad uli sila. Magka-holding hands.  Public Display of Affection ang moda nila.

Hindi maipinta sa mukha ni Anika ang sobrang kilig. Ang sobrang happiness. Feeling niya siya ang may pinakamahabang buhok sa buong peryahan. Feeling niya siya ang pinaka-maganda sa gabing iyon.

Maya-maya pa, nahiya na siya ng konti kay Joe.

“Tara Joe, balik na tayo sa kanila…” yaya ni Anika.

Pero umiling lang si Joe. Mukhang ayaw pa umuwi.

“Bakit ayaw mo pa? Baka kasi hinahanap na nila tayo…”

Walang sinagot si Joe. Pero ang totoong rason, dahil may gusto pa siyang gawin for Anika.

Hindi pa niya nagagawa ang pang-number 19 sa bucket list. At hindi siya uuwi habang hindi pa niya ito naisasakatuparan!

Kaya si Joe, niyaya uli si Anika, “Let’s go there!”

“Ha? Saan?”

“Just come with me!”

Sa pagmamadali nilang maglakad, si Anika biglang may nabangga!

Boogsh!

“Ay sorry po!” pagtingala ni Anika sa mukha ng nabangga niya. Laking gulat niya! Pamilyar ang lalaki. Naka-shades. Naka-black suit. Hindi siya maaaring magkamali!

Isa ito sa mga men in black! Mukhang nasundan sila. Mukhang kanina pa sila hinahanap nito! 

Natakot si Anika. Hindi alam kung anong gagawin. Pero hindi siya nagpahalata. Biglang niyaya si Joe.

Joe, halika na bilis!

Tumakbo sila palayo ni Joe. Pero hindi pa man sila nakakalayo…narinig ni Anika ang mga tili ni Lexi…

Aaaahhh!

Paglingon ni Anika…nakita niyang hawak si Lexi ng mga men in black. Napahinto siya…gustong tulungan ang kaibigan. Pero si Lexi, hindi nagpahalata na nakita niya sina Anika. Sumigaw ito…

Friend kung nakikita mo ko! Tumakas na kayo! Puntahan nyo sina Manang…

Si Joe, gusto ding tulungan si Lexi. Kaso bigla siyang pinigilan ni Anika.

“Joe! Wala kang laban sa kanila…”

Pansin nila na may hawak na mga water gun ang mga men in black.

“Pero…”

“Joe,wag ka na makulit…Tumakas na kayo. Kaya ko ang sarili ko!” Parinig ni Lexi. Sabay tinakpan ang bibig niya ng lalaki.

Agad tumakbo palayo sina Anika at Joe. Hindi sila napansin ng mga men in black.

***

Hindi makita ni Anika kung saan ang exit ng peryahan sa sobrang dami ng tao. Pahirapan lumabas! At napansin pa ni Anika na nakapalibot lahat ng mga men in black. Hina-hunting sila!

Delikado tayo!

Pero infairness kay Anika, kahit minsan slow siya sa mga joke…kapag life and death situation na ang bilis niya mag-isip!

Naisip niyang pumasok sa isang tent kasama si Joe. Ang tent ay isang wardrobe area. May iba-ibang costumes. Ang plano ni Anika…

Magdisguise tayo Joe!

Kaya agad silang nagsuot ng costume. Agad silang nag-make up.

Paglabas nila, instant clown ang peg nila! Casually silang naglakad para walang makapansin sa kanila.

MY APP #BOYFIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon