" 'Wag na tol. Wala rin namang patutunguhan. Isa pa, 'wag niyo na lang akong pansinin. Hindi ba kayo naiinis sa'kin? Paulit-ulit na lang ako oh. Mawawala din 'to. " 

Bigla kaming natahimik dalawa. Ang dami kong gustong itanong sa kanya. Ang daming tanong sa isip ko na gusto kong mabigyan ng kasagutan na siya lang ang makakagawa. Baka naman sabihin niyo, masyado na kaming nanghihimasok sa buhay nila. Hindi naman. Pero siyempre, bilang kaibigan concern din kami sa kanila. Hindi lang naman kasi pagkakaibigan namin ang naapektuhan kundi kami na mismo. Aminin man nila o hindi, alam ko, alam naming lahat na hindi na kami 'yung dating tropa na sobrang saya, na parang magkakapatid na ang turingan sa isa't isa. Oo, nakakamiss. Pero... ewan ko. Tadhana lang ang makakasagot kung maiibabalik pa namin 'yun.

" Tol, mahal mo ba si Jandrix? " ako mismo nagulat sa mga salitang lumabas sa bibig ko. 

" Hindi 'tol.tahasan niyang pahayag.

" Tol, uulitin ko... mahal mo ba si Jandrix? " 

This time, tumingin siya sa mga mata ko. Nakita ko 'yung sinseridad sa mata niya. Oo, minsan ko lang makita 'yun sa kanya pero once na makita ko 'yun, alam kong seryoso siya. 

" Tol... hindi talaga. " 

" Gray uulitin ko... gusto kong sagutin mo ako ng totoo. Mahal mo ba si Jandrix? " 

" Tol... kahit ilang milyon mong ulitin 'yung tanong mo, alam mong iisa lang ang sagot ko. Hindi ko siya mahal.walang nagbago sa sagot niya. I guess, hindi niya talaga mahal 'yung tao.

" Eh bakit mo pinatos? O sige... 'wag na lang 'yun. Bakit mo hinayaang magkaroon kayo ng relasyon? Pwede namang friends with benefits. Mga ganung dale. Given na single ka naman diba? Bakit kailangan may relasyon pa? " ito 'yung gustong gusto kong itanong sa kanya.

Kahit naman ganoon si Jandrix, napamahal na rin naman siya sa tropa. Siguro may kasalanan siya kung bakit nagkahiwalay si Reggo at Gray, pero sa akin, sa ibang tropa, wala naman siyang kasalanan. Labas kami sa kung anong isyu meron silang tatlo. Katulad namin, nagmahal lang siya. At kapag nagmahal ka naman talaga, sabi nga nila, talagang hahamakin mo lahat. Hindi ko sinasabing tama 'yung ginawa niya. Pero ang akin lang, hindi naman siguro tama na husgahan na lang natin siya ng husgahan. Ilagay kaya natin 'yung sarili natin sa posisyon niya? Makakapag-isip ka kaya ng matino? 

Hello, Stranger! [BID II] [BxB] [FIN]Where stories live. Discover now