1 ❤️ Scholar

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ay oo nga pala. Akin na, ng maipasa na sa board of directors mamaya."

"Po? Bakit po ang BOD ang mag dedesisyon ng magiging student assistant this year?" Nagtataka kong tanong. Sa tatlong taon kase, faculty na lamang ang nag de-deliberate kung sino ang matatanggap na student assistant.

"Hindi rin namin alam, pero yun kasi ang binabang memo sa amin last week." Paliwanag niya sa akin.

"Ah ganun po ba. Sige po Ma'am Ramirez." Nakangiti kong sagot sa kanya.

"See you at classroom. Papanik na rin ako maya maya." Sabi niya sa akin bago ako tuluyang lumabas ng faculty room.

Napaisip tuloy ako.

Sana naman ay makuha akong muli bilang student assistant ngayong taon.

Sayang din kasi ang isandaang piso kada araw na nakukuha naming sweldo.

Nung first year ako ay sa faculty ako na assign. Nag aassist lang kami sa mga teachers namin na kailangan ng aming tulong.

Ng sumunod mga taon ay sa library na ako na destino. Mas gusto ko dun, tahimik lamang at nakakapag basa ako ng mga libro sa tuwing wala kaming ginagawa.

Ang karaniwan kasi naming ginagawa dun ay taga balik at taga ayos ng mga libro.

Ngayon kaya, saan ako ma dedestino?

Naglalakad ako sa hallway ng wala sa sarili. Nagkaroon kasi ako ng kaba, na maaaring hindi ako makuha ngayong taon bilang student assistant.

Napabuntong hininga pa ako, kailangang kailangan ko kasi talaga eh.

Lutang ang aking isipan habang naglalakad, kaya't may nakabangga na pala akong lalaki. Bumalik agad ako sa ulirat dahil sa gulat.

"Miss, sorry." Hingi niya ng paumanhin sa akin sabay ngiti niya. Napukaw ng aking pansin ang kanyang dimples.

Nagising naman ako sa katotohanang nabitawan ko pala ang envelop ko. Pero bago pa ako yunukod upang kuhanin ito ay agad na pinulot ng lalaking iyon ang envelop at iniabot sa akin.

"Okay lang." Ngumiti nalang ako sa kanya.

"Sorry talaga ahh." Pahabol pa niyang paumanhin sa akin.

Naglakad na ako palayo, pero napahinto ako sa aking naisip.

Siguradong sigurado ako, bago ang lalaking yun dito.

Dahil kahit kailan ay hindi humingi ng paumanhin ang sino man sa mga istudyante dito, lalo sa mga kagaya namin. Hindi ka rin nila tutulungan, kahit na kasalanan nila iyon. Kami pa ang madalas na masisi, dahil kakalat kalat kami.

Ang isa lamang sa pinaka gusto ko sa paaralang ito ay may kalayaan kaming manamit ayon sa aming kagustuhan. Ang paaralan namin ay naniniwalang hindi naapektuhan ng pag aaral namin kung paano kami manamit sa paaralan. Yun nga lang ay may limitasyon pa rin kami.

Malaya akong nakakapag blouse at ribbon sa leeg kagaya ng uniporme ng mga babae, ngunit hindi kami pwedeng mag palda. Kaya't naka slocks nalang ako na pambabae pa rin naman at naka doll shoes na itim.

Mahaba na rin ang aking itim na buhok, malapit na itong lumagpas sa aking balikat.

Kaya't hindi na rin ako nagtaka kung bakit miss ang tawag sakin nung lalaking matangkad kanina.

Sabagay, sabi din ng dalawa kong kaibigan ay maganda din naman ako. Natural sa akin ang maputing kompleksyon, maganda rin daw ang aking mata na medyo singkit. Ang natural kong naka arkong kilay at malagong pilikmata. May maliit rin akong labi na natural na namumula.

Ang lahat daw ng iyan ay nakuha ko sa aking ama.

Ano nga kaya ang itsura niya ngayon?

Nagsimula nalang akong umakyat sa ikatlong palapag ng gusali. Nandun kasi ang aming silid aralan para sa taon na ito.

Crazy Rich TransgenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon