The Son of Demon

Začít od začátku
                                    

"Dahan-dahan Aiden! Baka madulas ka,"Pag-alala niyang sigaw sa magiging manugang.

Dahil sa kaniyang sobrang pagkadisperada ay nakalimutan na nitong  kumatok at agad niyugyog ang natutulog.

"Freza! Freza, gising!"

Oh! Ate Aiden!"Gulat nitong tugon at napabalikwas ng bangon.

"Si Jabez, hindi pa kasi nakauwi. Please samahan mo ako, balikan natin ang kuya mo."Maluha-luha niyang sabi.

"Mas mabuti siguro ate,kung ako nalang ang babalik doon. Dito ka nalang, baka mapaano pa ang pamangkin ko."

"Sasama ako, gusto kong masigurong buhay si Jabez."

Walang nagawa si Freza, kun'di ang isama ito. Hanggang sa makarating sila sa lugar,sobrang gulat ni Freza.  Sapagkat naharangan na ng malaking bato ang daanan.

"Ate, tingnan mo ang pinto ng kweba, naharangan na."

"May Kapangyarihan si Jabez, kaya niyang buksan 'yan."Biglang natahimik ang dalawa nang pareho nilang iniisip na baka napatay si Jabez.

"Hindi! Hindi ka pwedeng mamatay Jabez, kailangan ka namin ng anak mo. Hindiiii!Jabeeeezzzz!"Napaluhod si Aiden at humahagulgol ng iyak.  Maagap naman itong niyakap ni Freza.

Ang lahat nang iyon ay narinig at nakita ni Jabez. Ngunit hindi pa ang tamang  panahon, para lumabas siya sa kweba.

HALOS araw-araw  na bumabalik si Aiden at Freza sa lugar at, umaasa na isang araw ay lalabas si Jabez. Hanggang sa nagpasya siyang umuwi sa hacienda ng lalaki at doon niya hihintayin. Sinamahan naman siya ni Freza, dahil lagi niyang inalala ang bilin ng kaniyang kuya na alagaan at protektahan niya ang mag ina.

Nagiging malungkot ang buhay ni Aiden, sa loob ng tatlong buwan. Walang araw na hindi siya umaasa na babalikan siya ng lalaki.

"Ate Aiden, magdidilim na, unuwi na tayo."Mahinang sabi ni Freza at ang buntis ay  tulala pa rin habang ang tingin ay nasa pinto ng kweba.

"Alam kung buhay pa siya, ramdam ko 'yon.'

SAMANTALA anim na buwan na si Jabez sa loob ng kweba  at patuloy niyang nilalabanan ang aura ng demonyo, na nasa loob ng kaninyang katawan. Sapagkat gusto niyang mamuhay na normal at walang mapahamak na buhay

"Jabez, makinig kang mabuti, pagkasilang ng iyong magiging anak, ay ilipat mo sa kaniya ang aura na nasa loob ng iyong katawan at gabayan mo siya sa tamang paggamit nito.iwasan mong magalit siya siya,dahil d'yan lalabas ang kaniyang pagiging halimaw."Boses ng isang matandang lalaki na biglang sumulpot sa kaniyang harapan.

"Sino ka?Hindi pwede ang iyong sinasabi, dahil gusto kong lumaki ang aking anak na normal."

"Isa akong babaylan dito sa mundo, hindi mo mababago ang nakatadhana sa iyong anak. sa henerasyon niya, ay muling sisibol ang mga masasamang nilalang. Ang iyong anak ay, nakatakdang lalaban para ipagtanggol ang kabutihan. "HADES"iyan ang ipangalan mo sa kaniya dahil siya ang panginoon ng kadiliman."

"Kung iyan ang nakatakda sa aking anak , ay gagawin ko ang iyong utos."

"Hanggang sa muli nating pagkikita. "

-NINE MONTHS LATER-

Sa araw ng kabuwanan ni Aiden ay biglang dumating si Jabez.

"Hindi ko na kaya nanay Gloria!  Aaaahhh! Aaaahhhh!"Sigaw niya habang pilit inilabas ang kaniyang anak.

"Aiden, kailangan mong tulungan ang iyong sarili,. Kung hindi baka mamatay ang iyong anak."Pag-alala nito.

"Ate kaya mo 'yan!"Wika ni Freza na hinawakan ang palad niya.

"Anak, lakasan mo ang loob mo, kaya mo, kaya mo,"pagpalakas loob ni Mary.

"Jabez.... Jabez.... Jabez....!"Sambit niya at hinang-hina na ang kaniyang katawan.

"Aiden, nandito na ako."Boses nito mula sa kaniyang harapan.

"Jabez! Nagbalik ka na?"Luhaan niyang sabi at muli siyang nagkaroon ng lakas. Nang makita niya ang  pinakamamahal na lalaki.

"Oo, nandito na ako. Mahal na mahal kita, kayo ng ating  anak!"

"Tumango si Aiden na, nakangiti at may mga luha ang mata sa sobrang kaligayan.

Hinalikan ni Jabez ang labi ni Aiden upang ipadama ang totoong pagmamahal nito.  Tumagos naman iyon sa puso ni Aiden.

Waaaa!

Waaaa!

Iyak ng sanggol na lumabas mula sa sinapupunan ni Aiden.

"Babae! Napakagandang bata,"saad ni nanay Gloria.

Parehong nakahinga ang mga nasa loob ng kuwarto at kapwang nakangiti nang makita nila ang monting angel sa kanilang harapan.

"Pwedeng lumabas muna kayo?"Utos ni Jabez sa mga ito, at kinuha niya ang anak.

"Kumusta kana Jabez?"Masayang tanong ni Aiden kahi sobrang pagod pa ang kaniyang katawan.

Lumapit sa kaniya ang lalaki at muling hinalikan ang kaniyang labi at inilagay nito ang sanggol sa kaniyang dibdib.

"Okay lang ako, patawarin mo ako kung bakit ngayon lang ako nakabalik. Kailangan ko lang kontrolin ang pagiging halimaw ko. Dahil gusto kong magiging karapat-dapat sayo.

"Jabez, kahit sino ka pa, ay handa kitang mahalin habang buhay."

"Salamat at tanggap mo ako."

"I love you Jabez."

"Aiden, ipagpaalam ko lang sayo na kailangan kong ilipat sa anak natin ang aura na nasa loob ng aking katawan."

"P-pero bakit?"

"Iyan ang utos ng isang babaylan. Ang anak daw natin ay nakatakdang lumaban para sa kabutihan. "
"Kung ganoon, hindi halimaw ang ating anak?"

"Ang sabi ng babaylan, kailangan natin siyang gabayan.

"Kung iyan ang nakatadhana sa ating anak sige, papayag ako."

"Salamat."

Muli niyang kinuha ang bata at inihiga sa kama. ibunuka niya ang bibig upang mailipat niya ang dugong apoy na nasa loob ng kaniyang katawan.

Kasabay nu'n ay ang pag kulog at kidlat ng kalangitan. Sinabayan ng maiitim na ulap. Kung sa mundo ng mga tao ay, normal lang iyon.  Ngunit sa mondo ng mga, immortal ay   isa iyong senyales  sa pagkasilang ng isang malakas na nilalang....

           -WAKAS-

A/N... Lubos po akong nagpapasalamat sa mga nagbabasa nito. Lalo na sa naghihintay  ninyo......

ABANGAN Po Ninyo ang

"THE COMBINATION OF IMMORTAL LEGEND"

Dito ninyo makilala ang bagong henerasyon  sa mga anak ni Jabez at Aiden NATHANIEL at WOLFA, Yuki at Amarpal at ang mga anak ng limang prinsesa na sina Divonne, Swetyco, JulieAnn, Dehjo Lee

Ipapalabas ko ito this year after sa ibang story na hindi ko pa natapos... SALAMAT SA LAHAT...

Dostali jste se na konec publikovaných kapitol.

⏰ Poslední aktualizace: Aug 18, 2019 ⏰

Přidej si tento příběh do své knihovny, abys byl/a informován/a o nových kapitolách!

The Son Of DemonsKde žijí příběhy. Začni objevovat