The Son of Demons

101 14 2

Chapter 28

Napangisi si Freza sa kanyang katapangan.Muli niyang idinapa ang katawan at idinahan-dahang igapang iyon gamit ang dalawa niyang siko.Parang ang ginawa lang nilang training sa military kaya madali nalang gawin iyon para sa kanya.Nagtago siya uli sa isang malaking puno at iginala ang paningin sa paligid.Sa wakas ay natanaw na niya ang kinaroroonan ng kanyang kuya Jabez.

"Shit!"bulong niya.Sa dami ng tauhan ni Vivian ay hindi niya kayang patayin ang mga ito isa-isa.Kailangan niyang mag-isip ng paraan para maistorbo niya ang mga ito at mabaling ang kanilang atensiyon.At iyon nga ang nag-click sa kanyang isipan ang gumamit nang granada.

Gumapang pa palayo si Freza sa may bandang dulo kung saan ay malayo sa kinapupuwestuhan nila Aiden at Jabez.Sa malayo niya papasabugin ang granada kung saan doon ay malaya niyang mapapana ang mga halimaw.Kailangan rin niyang radyohan ang kanyang mga kaibigan nasa oras na umalis at maibaling ang atensiyon ng mga halimaw kay Aiden ay kailangang magtulungan ang mga ito para kalagan ang dalaga mula sa kanyang pagkakatali.

Nagbilang siya ng isa hanggang tatlo.Naglabas siya ng dalawang granada.Kailangan niyang mapaghiwalay sa dalawang grupo ang mga halimaw para madali lang sa kanyang patayin ang mga ito.Napabuga siya ng hangin at saka nanalangin "Bless us Lord"naisaloob niya.

"Ready na ba kayo?"tanong niya sa mga kasama.

"Ready na kami,"sagot ni Wela ang may hawak ng radyo sa tatlong kasama niya.

"Huwag kayong pahuhuli sa mga oso,"nag-aalalang paalala niya."Kung kailangan niyong barilin ay barilin niyo ang mga ito para mailigtas niyo ang inyong sarili."

"Ikaw din,Freza.Mag-iingat ka."

"Akong bahala kaya ko ang sa----"
Hindi pa niya natapos ang sasabihin nang isang malaking halimaw ang sumugod sa kanya.Hindi niya iyon napaghandaan pero handa siyang labanan ito.Sinunggaban siya ng halimaw labas ang malalaking pangil at ang mahaba nitong dila.Dinilaan nito ang kanyang pisngi.Panay pa ang tulo ng laway nito mula sa kanyang bunganga.

Pinagtatadyak ni Freza ang halimaw.Sinipa niya ito ng ubod nang lakas ngunit hindi man lang ito natinag.Buong puwersa niyang nilabanan ito.Hindi siya patatalo sa isang halimaw lang.Kailangan niyang mailagtas ang kuya Jabez niya kahit na buhay pa niya nang nakataya.

"Freza.....!"narinig niyang tawag sa kanya ng kaibigan mula sa radyo nito."Freza,sumagot ka,"ulit nito.

Nagngingitngit na sa galit si Freza sa halimaw kaya't buong puwersa niyang sinipa ito sa tagiliran.Napaungol ang halimaw at nabitawan ang isang kamay niya.Agad siyang yumuko at kinapa ang kanyang kutsilyo na isiniksik niya sa kanyang boots.Agad naman niyang nakapa iyon.Ngunit bago pa siya muling nasugod ng halimaw ay naisakskak na niya ang kutsilyo sa isang mata nito,at biglang tumulo ang dugo sa mata ng halimaw nang biglang hugutin niya ito.Muli ay ganoon rin ang ginawa niya sa kabila.Habang namimilipit sa sakit ang halimaw ay maya-maya pa ay biglang naglaho na ito.

"Hiningal ako doon,ah,"pagmamayabang ni Freza sa sarili.Pinulot niya ang walky-talkie at nagsalita roon.
"Hello,Wela.Maayos lang ako.Maghanda na kayo diyan,"aniya.
Iginala muli ni Freza ang paningin sa palagid nang wala nang umaaligid na halimaw ay pinulot na niya ang dalawang granada na nabitiwan niya kanina.Tumayo siya at inayos ang sarili.Pagkatanggal ng pin ng granada ay agad niyang hinagis ito,ganoon din ng ginawa pa niya sa isa.

Tama nga ang naisip niyang plano.Nabulabog nga ang mga ito.Nagtakbuhan ang mga halimaw para puntahan ang pinangyarihan ng pagsabog.Dumapa si Freza, nilabas niya ang kanyang pana at sinimulang panain ang mga halimaw na natataranta at nagtatakbuhan para hanapin ang kalaban."Bingo!"Iiling-iling siyang inasinta ng mga ito.
"Patay kayong mga halimaw kayo!"

Mukhang naubos na sila,naisaloob niya ng wala na siyang makitang halimaw sa lugar. Ngayon nalang ang natitira ang pasimuno sa trahedyang to.Humanda ka!Magtutuos tayo!Kahit ikaw pa ang pinakamabangis sa buong kademonyohan.Kalabanin mo nalang lahat huwag lang ako!I got a green blood too! May the strongest live....

*Matalo kaya ni Freza si Vivian?*

Next....

The Son Of DemonsBasahin ang storyang ito ng LIBRE!