The Son of Demons

88 9 1

Chapter 30

NILISAN nila ang kagubatan at dinala, niya, ang patalim na galing kay Vivian.

"Paano mo ako nakilala?"Tanong ni Jabez, habang naglalakad sila.

"Matagal na kitang hinahanap, dahil gusto kitang makilala."

"Kahit hindi mo alam ang totoo kong pagkatao?"

"Kilala  kita, dahil lagi kang ikinukuwento ni mama sa akin."

"Malayo pa, ba tayo?"

"Medyo, pero may sasakyan naman tayo pagkalabas natin dito sa kagubatan."

"Wala na tayong oras."Wika ni Jabez.

Ginamit  niya ang kaniyang kapangyarihan bilang anak ng demonyo at agad silang nakarating sa harapan ng bahay nila Freza.

"P-paano tayo nakarating dito sa bahay?"Pagtatakang tanong ng dalaga, sapagkat nabigla siya sa pangyayari.

"Akala ko ba kilala mo ako,"Tugon nito na hindi tinitingnan ang kapatid.

"Hindi ko kasi alam na ganyan ka pala kalakas. Bakit hindi mo 'yan ginamit kanina? Para iligtas ang babae."

"Hindi niya alam ang tunay kong pagkatao."

"Ganu'n ba? Halika na sa loob, baka may makakita pa sa atin."

Maingat na binuksan ni Freza ang pinto ng kanilang bahay at napansin naman iyon ng kaniyang ina.

"Sino 'yan!" Boses ng isang may, edad na babae, at agad nakaramdam ng kaba si Jabez, hindi niya alam kung para saan ang kaba na 'yon. Ngunit isa lang ang kaniyang gustong malaman mula sa kaniyang ina.

"Si-!"Putol na sasabihin ng ginang, nang makita, niya ang lalaki na kasama ni Freza. Biglang lumakas ang tibok ng kaniyang puso.

"Fr-Freza, sino siya?"

"Si kuya Jabez Ma,ang panganay mong anak."

"A-anak?"Anito at agad nilapitan ang binata sabay yakap.

"Bakit mo ako tinatapon?"Diritsahan niyang tanong at hindi ito tumugon sa yakap ng kanyang ina.

"Patawarin mo ako anak,hindi ko iyon ginusto. Kung hindi kita ilalayo,hindi ako tantanan ng amo mong demonyo.Patawarin mo ako anak."

Lumuhod ang ginang sa harapan ni Jabez at patuloy ang kaniyang pag-iyak,habang naghihintay sa kaniyang kapatawaran. Hindi nagsalita ang binata at pinakiramdaman ang kaniyang puso, hanggang sa dahan-dahan na pumatak ang kaniyang mga luha.

Hinawakan niya ang kamay ng kaniyang  ina at tinulungan upang makatayo.

"Hindi kita masisisi kung bakit mo ako itinapon, dahil isa akong halimaw hindi ba?"

"Hindi 'yan ang dahilan anak, maniwala ka man o sa hindi. Pero hindi kita itinapon, binantayan kita, hanggang sa pinulot  ka ng mag-asawa. Inilayo lang kita sa ama mo, dahil kukinin ka at tuluyan kang magiging katulad niya. Walang isang ina na gugustuhing  magiging mapahamak o mapasama ang kaniyang anak.

"Minsan ba, hinahanap mo ako?"

"Hindi. Dahil kung hahanapin kita, ay matunton ka ng iyong ama. Mas mabuti na 'yung itinago kita dito sa aking puso.Mahal kita anak. Sana mapatawad mo ako."

Hindi nakatiis si Jabez at niyakap niya ang kaniyang ina."Napatawad na kita,"aniya sa mahinang boses.

Napangiti naman si Freza, habang pinagmasdan ang kaniyang ina at kapatid. Sapagkat masaya siya dahil nagkaayos na ang mga ito.

"Sa wakas, ay dumating ka rin."Isang malaking boses  na hindi nila nakikita

"Nandito siya!"Gulat ang reaksyon ni Mary, at kapwa niyang tinago ang dalawa sa kaniyang likuran. Nakaangat ang kaniyang dalawang kamay, palatandaan sa kaniyang pagprotekta sa mga anak.

"Hindi mo makukuha ang aking anak!"Matapang nitong sabi at inilabas ang krus mula sa kaniyang bulsa

"HAHAHA!HAHAHA!
"Wala akong  ginusto na hindi nakukuha."Boses ng  demonyo ,sabay sulpot nito sa kanilang harapan. Inangat nito ang kaniyang kamay at nakatutok kay Mary.

Uurrkk! Uurkk!
Halos hindi makahinga ang ginang,sapagkat sinasakal, siya ng demonyo. Biglang humarang si Jabez, kaya nabitawan ang kanilang ina.

"Ano ang kailan mo sa'kin?"

"Paano kung hindi ako sasama?"

"HAHAHA!Kaya mo bang tingnan ang mag-ina mo, kung papahirapan ko sila?"Anang demonyo at, ipinakita niya si Aiden na, nakahiga at nakatali ang dalawang kamay at ang paa nito.

"Jabez! Jabez, tulungan mo ako. Nasaan kana?Jabez."Umiiyak ito habang patuloy ang pagsambit sa kaniyang pangalan.

Bigla siyang nakaramdam ng galit sa kaniyang sarili, sapagkat hindi man lang niya naprotektahan ang mag-ina.
"Sige sasama ako,"simpleng sabi niya.

"P-pero kuya Jabez, baka mapahamak ka."Pag-alala ng kanyang kapatid.

"Huwag mo akong alalahanin, protektahan mo ang ating ina."Saad nito na hindi man lang lumingon sa kanila.

"Anak, mag-iingat ka, at ipapangako mo sa akin na magkikita pa tayo."Luhaang pakiusap ni Mary.

Walang ibang tugon si Jabez sa kaniyang ina, kun'di ang tanging simpleng ngiti at halik sa nuo. Dahilan upang mapahagulgol ng iyak ang ina.
Sumama siya alang-alang sa kaniyang mag-ina, hindi sila pwedeng mapahamak. Dahil sa kanila humuhugot ng lakas si Jabez.

Sa isang iglap lang ay nasa kaharian na sila ng demonyo, nagpalinga-linga si Jabez. Masalimuot ang buong lugar, puro apoy ang nakapaligid sa kanila. May mga alipores na nakaluhod sa kanilang harapan at halos nakaitim silang lahat. Paglingon niya sa kabilang sulok ay nakita niya si Aiden, kaya patakbo niya itong pinuntahan.

"Jabez! Dumating ka? Salamat."

"Sinasaktan ka ba nila?"Pag-alala nito at sinubukang tanggalin ang tali sa kaniyang kamay. Ngunit hindi niya ito kayang tanggalin.

"DEMONYO! Nasaan ka? Pakawalan mo ang mag-ina ko!"

"HAHAHA! Pakawalan ko sila, kung yayakapin mo ang pagiging demonyo mo!"

"Demonyo? Demonyo?"Paulit-ulit  na sabi ni Aiden at inalala ang mga nangyayari sa bahay ni Jabez. "So totoo pala ang mga nakikita ko? Ikaw? Ikaw ang halimaw na gustong pumatay sa akin?"

"Tama ka! Ako rin ang halimaw na nagligtas sayo!Iyan ang dahilan kung bakit gusto kong lumayo ka!"

Umiyak si Aiden at, hindi nagsasalita, sapagkat naguguluhan siya kung tatanggapin ba niya ang lalaki o tuluyan niyang tatalikuran. Pero mahal niya ang lalaki at, ayaw niyang mawala lalo na't dala niya ang magiging anak nila.

"A-ano ang dapat kong gawin Jabez?"Tanong niya sa mahinang boses  at, nakatitig ito sa mukha ng lalaki.

"Wala! Wala kang dapat na gawin, kailangan mong makaalis dito, kailangan  mong iligtas ang iyong sarili at ang anak natin."

"Hindi! Hindi ako aalis dito na hindi ka kasama,mahal na mahal kita Jabez."

-TO BE CONTINUED-

A/N..... Tuloy-tuloy na ang update hanggang finale.... paumanhin kung natagalan busy lang

The Son Of DemonsBasahin ang storyang ito ng LIBRE!