The Son of Demons

98 6 1

Chapter 31

SAMANTALA naghanda si Freza sa kaniyang mga kagamitan, upang puntahan ang kaniyang kuya.

"Anong ginagawa mo anak?"Pagtatakang tanong ng kaniyang ina.

"Hindi ko pwedeng pabayaan si kuya Jabez ma, susundan ko siya."

"Pero delikado  ang gagawin mo Freza, hindi dila mga nilalang na tulad natin. Baka mapahamak ka lang."

"Hindi baling delikado mama, ang importante ay may ginagawa ako para kay kuya. "

Nang matapos niyang  buhusan ng bendita ang mga bala ng kaniyang pana at baril ay muli na niya itong inilagay sa kaniyang bag.

"Mag-iingat ka anak at sabihin mo sa kuya mo na maghihintay  ako."

"Makakarating mama,"Yumakap muna siya sa ina bago ito nagmadaling umalis at muling bumalik sa kagubatan.

Alam niya na doon sa kweba  ang daan patungo sa kaharian ng mga demonyo. Sapagkat minsan na niyang nasundan ang mga lalaking nakaitim. Kabayo ang sinakyan ni Freza, para mas madali siyang marating.

Sa kaharian ng mga halimaw ay nagsimula ang  malaking digmaan. Sapagkat, umaatake ang ama ni Vivian kasama ang kanilang alipores.
Kailangan nilang mapigilan si Jabez na yakapin ang pagiging Tagasunod ng kaniyang ama. Dahil siya ang magiging pinakamakapangyarihang demonyo.

"Jabezzzz...!"Sigaw ni Aiden sapagkat nakita niya ang isang halimaw na sumugod sa kaniya.

Maagap naman itong naka ilag at bigla siyang nagiging halimaw. Lumaki ang mga mata ni Aiden, dahil sa kaniyang nasaksihan. Halos hindi ito kumukurap habang pinagmasdan si Jabez.

"J-Jabez,"bulong ng kaniyang isip.

Kailang ni Jabez na magiging halimaw, dahil iyon lang ang paraan upang mailigtas niya ang mag-ina. Sa isang hila lang niya sa kadenang nakatali sa babae ay agad na itong naputol.

"Kuya Jabez!" Sambit ni Freza na, biglang sumulpot  sa kaniyang likuran.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Para tulungan ka kuya."

"Hindi mo alam ang pinasok mo Freza!"Galit niyang sabi sa kapatid.

"Alam ko kuya at pinaghandaan ko ito. Gusto lang kitang tulungan."

"Makinig ka Freza,kung gusto akong tulungan, itakas mo si ate Aiden mo at ang magiging pamangkin mo. Hindi kayo pwedeng mapahamak sa labanang ito. "

"Sige kuya Jabez, kung iyang ang gusto mo. Ito kunin mo, nakababad ang mga bala na 'yan sa bendita."

"Salamat!Mag-iingat kayo."

"Sandali Jabez!Pangako mo sa akin na makakauwi ka, hihintayin kita. Hihintayin ka namin ng anak mo."Luhaan na nakikiusap si Aiden, kinuha niya ang kamay ng lalaki at itinapat sa kaniyang tiyan.

Biglang lumambot ang puso ni Jabez, habang tinitingnan niya ang tiyan ng babae."Oo, pangako,nakauwi ako."Tugon nito, sabay hawak sa mukha, ni Aiden at, hinalikan niya ang labi nito.

"Tayo na ate Aiden!"

"Freza!"

Napalingon naman ang dalaga"Mag-iingat kayo."

"Ikaw rin kuya."

Hinintay muna niya na, makalayo ang dalawang babae bago siya, umaatake. Nakita niya ang labanan ng dalawang malalakas na demonyo at hindi niya, iyon kilala.Maliban lang sa isa.
Mukhang malakas ang isa, na tila pinaghandaan  ang labanan  na'yun.

"Isuko mo sa, akin ang kapangyarihan mo! Hindi ka mananalo sa akin!"

"Ikaw pala ang traydor dito sa kaharian! Kahit kailan ay hindi mapasaiyo ang hinahangad mo!"Boses ng kaniyang ama.

"BUAHAHAHA! 'Yan ang akala mo!"

Lihim na kinuha ng isang halimaw ang patalim mula sa, kanyang likuran at nakita iyon ni Jabez. May isa pang halimaw na, nasa likuran sa kaniyang ama. at sa tanto niya'y hindi ito napansin. Nang akmang aatake na ito sa kaniyang ama, ay agad niyang hinagis ang kanyang dalang patalim at sinundan niya ito ng pag-atake.

Nagulat naman ang ama ni Vivian, ganu'n rin ang kaniyang ama. Ngunit nakahanap naman ng pagkakataon ang kalaban.  Nang matanto nitong sa kay, Jabez ang kaniyang atensyon ay agad rin niya itong sinaksak.

"Uuurrkk!"Boses ng kaniyang  ama at nakaganti rin ito. Nang gamitin niya ang kaniyang pinakamalakas na kapangyarihan  ay tumilapon ang ama ni Vivian.

Bumagsak naman ang ama ni Jabez, subalit maagap niya itong nasalo.

"A-anak,"Naghihingalo nitong sabi.

"Hindi na ako magtatagal, kailangan mong yakapin ang iyong kapalaran, na ikaw ang tagasunod ko."

"Hindi ba isa kang demonyo? Kaya hindi ka mamamatay."

Bahagyang ngumiti ang kaniyang ama bago magsalita."Kahit demonyo tayo ay, may hangganan rin ang ating buhay. Ang ginamit niyang patalim ay hindi ordinaryo.  Tulad niyang hinahawakan mo, kaya ingatan mo 'yan, dahil isang sagradong sandata 'yan.

"Anak, wala na tayong oras.  bago pa nila maagaw ang kapangyarihan sa akin, yakapin muna ito.Kapag tinanggap muna ito,walang sinuman ang makakatalo sa'yo."

Pinag-iisipan ni Jabez ang sinabi ng kaniyang ama,"kung yakapin ko ang aking kapalaran ay pwede kong baguhin ang lahat, kaya kong itama ang mali."Bulong ng kaniyang isip.

"J-Jabez...A-anak..."Samabit ng kaniyang ama at dahan-dahan na pumikit ang mga mata nito.

"Pumapayag na ako, handa ko ng yakapin ang aking kapalaran."

"Salamat... Salamat.. Ibuka mo ang iyong bibig."

TO BE CONTINUED..

The Son Of DemonsBasahin ang storyang ito ng LIBRE!